Saturday, February 26, 2011

Be on Stand By

Blogworld.. Bloggers..


Please be on stand by for my post, updates and everything..  As I will be on leave, a grand vacay, this first week of March. And in line with this vacay, I wanted to tell you all that I may not be able to get in touch with you.

If only I can get in touch with you all even I'm away, but I'm not fully equipped. I don't have a laptop, though I can still manage to comment on some of your post and view what's happening on the blog world via my iTouch, long as there's a wifi access. And since I'm on a vacay, I don't think my friends would allow me to just sit on the corner, have my eyes glued on the computer and busying myself blogging. 

So, I'm bidding you all a temporary goodbye.. It ain't yet the end of everything. I'll be gone but I'll definitely be back. I can no longer stand missing a single blog. I have to say something. I need to share you something worth knowing. 

Please pray that I may have a safe trip and an enjoying one. I may not be able to give you all pasalubong (dried mangoes, danggit, etc) but stories and memories of my adventure. And I hope you're all looking forward to it!

Adieu!

On Leave

I will be on leave.
VL time.. :)
I filed a one-week leave. I will be visiting the Queen City of the South (Cebu) and Bohol from the 1st til the 3rd of March. Finally, after 5 months of waiting, matutuloy na! Me and my friends availed of Cebu Pacific's seat sale promo for 10 peso. Yes, you heard it right! 10 pesos lang, that was part of the October 10, 2010 (10-10-10) fever. So, even if it takes 5 months of waiting, we didn't have any second thoughts of booking ourselves. Can't imagine that a round trip fare for 5 people would only cost us less than 1k. Sarap di ba? 

5 months of waiting did give us enough time to save money, for the fare, lodging, food and syempre, pasalubong! We had doubts at first for the fear that it might not push through. Much as possible, we see to it that there will be no activities that would coincide with our trip. But we got dismayed when one of friends won't make it, for she needs to attend her sister's wedding. It felt sad but that occasion is one thing she shouldn't miss. 

We already have our itinerary as to where and what are we gonna do once we landed in Cebu and Bohol. We've searched the net, even solicited opinions from family and friends. It helped a lot. But big thanks goes to Apple's aunt, who lives in Bohol, for she already made a tour reservation for us at a cheaper price. 

As I write this, and only a couple of days left before the trip, the surprise and excitement hasn't sinked in yet. My bags aren't packed yet. I'm still thinking of the things to bring and clothes to wear. Still undecided. Bahala na si Batman.. :)

I wish and I hope that this trip will be a fruitful and enjoyable one. I don't know yet what to expect but fun, fun, fun.. And great bonding moments with my friends.



Tuesday, February 22, 2011

NBA 2011 Slam Dunk Contest - Blake Griffin Dunk Over a Car



That is AMAZING.. WOW to the highest level!

I'm not really a fan of NBA (I am more of a fan of our local PBA) but when I heard and seen Blake Griffin's dunk act.. wow! It left me in awe!

Grabe, may back up pang choir and they're singing I Believe I Can Fly, tumayo talaga ang mga balahibo ko sa katawan. At first, I thought he might not make it. But he's a strong-willed person and he just showed that he DID that act..

Try to imagine the distance from where he jumped off up to reaching the goal. And dunking the ball. Buti sana kung walang car sa harapan nya. That was quite a challenge for him.

I salute him. Hats off to him.

Va-bye-lentines Day

bye.. bye.. Vday..
Yes!!!


Ilang days na lang, Heart's month is finally oooover... whew! whatta relief!


Hirap kong kinimkim ang inggit na sumusukob sa aking pagkatao habang nakikita ko ang mga mag-jowang namamasyal sa mall at HHWW pa sila.. Ang saya-saya nila. Iniinggit nila ako (dahil wala akong jowa.. ahuhu..) 


Oo na, buwan nyo na ito.. Kayo na ang maswerte. Pero matatapos din ang kaligayahan niyo dahil darating na ang Marso, at mawawala na ulit kayo sa eksena. At magkakahiwalay din kayo.. nyahahaha...


Super bitter-ena naman ako dito..
____________________________________


Baka naman maniwala kayo.. H'wag!!! Exxag lang ako umarte.. Lam nyo na, para makakuha ng attention.. hehe.. Di naman ako marunong manumpa ng tao at mas lalong di ako bitter. Masaklap man ang nangyari sa aking buhay pag-ibig at inaamin kong may inggit factor akong nadarama sa t'wing makakakita ng mag-jowang sweet na sweet pero hindi sapat na kadahilanan yun para maging member ako ng Bitter Ocampo club.


Aminado ako na ito ang unang Heart's day na kailangan ko i-celebrate mag-isa. Nami-miss ko na yung hinayupak na yun kahit pa hindi maganda ang naging ending ng aming pag-iibigan. Meron pa rin syang munting bahagi sa aking puso at mananatili sya dun.


Nitong nagdaang Heart's day, umasam ako na makatagpo ng kapareha. Nanalangin na sana mapalad akong mapana ni Kupido. Pero kamalas-malasan, naipit sa trapik si Kupido (ikaw na ang tumira sa traffic capital of the Phils) kaya di na nakaabot sa Balentayms.. kay saklap!


Wala man akong natanggap na bulaklak, meron naman na mga stuffed hearts on stick na bigay sa akin ng mga mahal kong friends (dahil ba mahal nila talaga ako o dahil sa awang walang nagbibigay sa akin..??) Pasalamat naman ako dahil may natanggap naman ako kahit paano sa araw ng mga Puso. Kesa naman bokya. kahiya!


Bigla kong naisip si ex, paano nya kaya ni-celebrate ang Hearts day..?? Sa piling ng iba..?? O mag-isa..?? Kailangan ko pa ba malaman..?? Lalo lang ako masasaktan.. Pero ako yung tipo ng taong kahit alam kong masasaktan ako, pilit ko pa din aalamin. To see is to believe ang drama ko. In short, masokista.


Ahem, ibang usapin na yung pagiging masokista ko. Next post na yun. :p


Ang tinutumbok lang ng post kong ito ay sana matapos man ang buwan na ito manatili pa din sa atin ang pag-asang magmahal muli (para sa mga katulad kong sawi). Wag natin isisi sa iba ang ating mga kamalian. Kung hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng buhay pag-ibig natin, hindi rason yun para hindi na tayo muling magmahal. Hindi lang dapat every Hearts day natin ipinagdiriwang ang pagmamahal natin sa mga kapareha natin. Dapat araw-araw, kahit sa mumunting paraan, maipakita natin kung gaano tayo kapalad na may nagmamahal sa atin sa kanilang katauhan. 


Masarap magmahal. Sobra. Sabi nga nila, kung gusto mo maranasan magmahal ng tunay dapat handa ka sa mga pagsubok ng pag-ibig tulad ng kasawian. Ako, hindi ko alintana kung masawi man ulit ako sa susunod na pag-ibig ko (pero wag naman sana.. knock on wood!), ang importante natutunan kong magmahal ulit at na-inspire pa ako. Open ako sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay pag-ibig ko. Wala akong sisihin. Wala akong panghihinayangan.


Make everyday a happy hearts day.. Show everyone how much you love them and be love in return. Take chances. Take the risk. From there you'll only find out what true love is.


According to Mother Theresa, love isn't just give and take.. it's give and give until it hurts..

Sunday, February 20, 2011

Mishu Y'all!

Yo!


Been gone for a couple of days dito sa blogworld.. And I must admit it, nakaka-miss ang magblog.. Pramis! Just so happen, can't think of the right topic to post. Bangenge ako the past few days..


Niche-check ko naman sya every other day, for some comments, who followed me or pang-ilan na ako sa top blogs (feelingerang mapasama sa top 100 eh..). Sometimes, maganda ang nakukuha kong feedback, sometimes nasasabi ko na lang " sana di ko na lang ni-check ang blog ko.." ahuhu..


Kaya, heto ako ngayon, nagsisimula na namang magtipa ng mga letra. Kahit walang eksaktong sasabihin, keri lang. Medyo bumaba na ang bangenge level ko, kaya nakakapagsulat na naman ako kahit walang sense.. Nasa sa inyo na yun kung ma-appreciate nyo man ito o hindi.. Mas ma-appreciate ko kung mag-iwan pa kayo ng inyong mga komento, wag lang harsh ha.. Wag nyo ko pagalitan. Eh anong magagawa ko kung wala kayong mapulot na magandang aral sa sinulat ko. Hmp! :p


Gusto ko lang kayong kamustahin. Love ko na kaya ang mga followers/friends ko! Peksman! Salamat sa pagtatapon ng mga tingin at panahon sa blog ko ha. Isang malaking karangalan para sa akin yan. :)


Hayaan nyo sisimulan ko uling paganahin itong utak ko.. Uungkatin ang mga memories na matagal pinagkatago-tago at buong ilalahad sa inyo. Wag sana kayo magsawa.


Hanggang sa muli!


Paalam!

amishu all.. :(

The Black Swan



Ballet combined with mental disorders, infused with fierce competition and some hefty sexual content makes for a compelling watch.


Thursday, February 17, 2011

Pagtulog

Antok na ko.. hmm..
Ayon sa nabasa kong dyaryo,  hindi naman daw required para sa isang tao ang matulog ng walong oras o higit pa. Basta nakapahinga ang katawan at nakabawi sa naubos na enerhiya, ayos na. 

Nung bata ako, lagi akong pinapatulog ng mama ko tuwing hapon. Para daw lumaki pa ako. Tumangkad. May mga oras na maniniwala ako sa mama ko at pagbibigyan ang kahilingan nyang matulog.  Sino bang ayaw tumangkad? Para pag matangkad na ako, wala ng pwedeng mang-bully sa akin. Hmp! Subukan nila! At saka, paggising ko, may nakahanda ng merienda. Isang Chokies na orange flavor at Zesto. Bibigyan pa daw ako ng piso pambili ng Mr. Cinco. Galing manuhol noh! 

Ngunit may mga araw naman na halos bugbugin  na nya ako dahil sa ayaw kong matulog. Yung kailangan pang umiyak ako sa harapan nya at magmakaawa na wag ng patulugin. Hanggang di ko namamalayan nakatulog na ako dahil napagod ako sa pag-iyak. Naisahan na naman ako!

Isa pang diskarte ko noon pag ayaw kong matulog pero ayaw ko din mapalo ay yung magpapanggap na tulog. Magtutulog-tulugan. Pipikit ng madiin na madiin (na I'm sure obvious sa mama ko ang pakulo ko!) at hihintayin tumuntong ang orasan mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon. Pag patak ng alas-4, kunyaring maghihikab sabay unat ng mga braso. Best aktres!

Ano ba talaga ang nasa likod ng teoryang ito? Bakit ba kailangang matulog ng mga bata tuwing hapon? Di ba pwedeng maglaro na lang (katwiran ni mama, mainit sa labas, kukutuhin ka! ) o manood ng tv (walang cartoons pag hapon, di pambata ang mga palabas!) Di na naubusan ng katwiran si mama, mapatulog lang kami!

Nang makatapos ako ng elementary, laking tuwa ko dahil tapos na ang sakripisyo kong matulog tuwing hapon. Kasi ang klase ko nung high school ay inaabot ng maghapon. Ligtas ako! Yes.. Kaya yung 2 kapatid ko na lang ang nagdurusa. 

Kahit sa gabi, nung mga bata pa kami, di pa rin kami nakaligtas sa tulog na yan. May oras pa din ang pagtulog. Kahit dilat na dilat pa ang mga mata ko at gustong-gusto ko pa manood, pero pag sinabi ng mama ko na "Matulog na kayo.. at gigising pa tayo ng maaga" Yari na.. No choice kundi iwan ang tv. At pipilitin na namang matulog sa pamamagitan ng pagpikit ng madiin ng aking mga mata.

Nadala ko ang pagtulog ng maaga hanggang matapos ako ng kolehiyo. Laking pasalamat ko dahil hindi naman ako na-late minsan ng pagpasok ng mga panahong iyon. Ikaw na ang may kumpletong tulog gabi-gabi..

Nang matapos ako sa pag-aaral at nakapagsimulang magtrabaho, sa wakas, nilubayan na din ako ng nanay ko. Di na ako inaaya matulog ng maaga. Katwiran ko, tapos na ang klase, wala na akong pasok bukas. Minsan pasigaw ko pang sinasabi, "ako naman ang papasok sa trabaho bukas ah.. di pa ako inaantok!" 

Kung dati-rati sinesermonan ako ng tita kong matulog na agad kahit sya nga itong tulog na sa harap ng tv at kapag pinuna mo pa na natutulog na sya, sasabihin pang, "gising kaya ako.. matulog ka na nga!" salbahe lang di ba? Ngayon, ako na ang naninermon sa kanya.. harharhar! Ako na ang nagpapatulog sa kanya. Hanggang sa ako na lang ang maiwan mag-isa sa harap ng tv at lahat sila'y tulog na.. Sarap buhay!

Naging habit ko ang di pagtulog ng husto, kaya di maiwasan na nala-late na ako sa trabaho.. (nabawi na sa akin ang korona ng pagiging most punctual.. hmp!) Ang tulog ko mula 4 hanggang 5 oras na lang. Nagpatuloy ako sa ganung set-up ng pagtulog. Ilang taon na ba ako nagtratrabaho? Ilang oras pa lang ang naitutulog ko..

Sabi ko sa sarili ko, malakas ako. Kung magpuyat man ako, kaya ko labanan. Umorder pa ako ng mga vitamins tulad ng Centrum at Stresstab. Pero nagkamali ako..

Ang panga-abuso ko umabot na yata sa sukdulan. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong nagiging antukin na ako. Hindi na kayang tapatan ng kape, di tulad ng dati. Kahit lampas 5 oras ang tulog ko, antok pa din ako. Tulog agad pagsakay ng FX, sa MRT hanggang pagdating sa opis. Pagtapos ng trabaho, uuwi agad para makatulog, tulog ulit sa bus, sa tricycle, kahit sa paglalakad napapa-idlip ako. Pag rest day ko, at walang lakad, matutulog lang ako maghapon. Di na nga ako updated sa mga palabas sa tv and kanta sa mga radyo.

Hay.. Tama pala yung kasabihang di bale ng sobra, wag lang kulang! Ngayon ko lang na-appreciate ang tulog.

Dahil sa trahedyang ito, ito lang ang masasabi ko:

♫♪ Ako ngayo'y nasasabik sa aking kama at sa malupit kong unan
Ba't di ka na lang sumama, hihiga tayo at kakanta.. ♪♫

Kama Supra ng Eraserheads

Breakfast Buffet at Marina

Starting Feb 10, 2011, Marina Oyster, Seafood and Grill now offers a breakfast buffet, inclusive of drinks, for only php 149.00 That's daily, from 6 am to 10 am. Marina is located at SM City Skygarden.



Just heard this news from a friend who happens to pass at SM City everyday going to and from work. At first, I didn't believe her. A buffet meal, plus drinks, for only php 149..?? She must be kidding me..

So, I have to see it for myself. And to my surprise, it is really indeed at php 149.

Normally, a breakfast buffet would cost someone php 150, but without the drinks! If you're familiar with Something Fishy, in Libis, they are famous for their midnight to morning breakfast buffet. They have a long array of dishes, from soups to rice, up to desserts. But they don't offer free drinks unless you order it separately or you opted to drink water.

With Marina, they may not have the long array of dishes Something Fishy can offer, but I'm pretty sure it's enough to make anyone full or "busog". They also have soups, rice, desserts and drinks (juice or coffee). They have the staple breakfast dishes, which  can be seen on a typical Pinoy table, like scrambled egg, hotdogs, corned beef, tapa, adobo, dinuguan, pansit. They also have pandesal or pancakes, your choice. For those who have sweet tooth, they have kakanin, like biko and cassava, and fresh fruits.

Pansit for looong life.. :)



sweets for my sweet!

Cheers to a good life!
The place isn't too crowded. You have the option to stay inside (non-smokers) or outside (smokers). The inside is well lit and it looks so tidy. I love the interiors, it's mostly in white. Plus, you can have the view of the city, since it's situated atop SM Skygarden, you'll witness the hustle and bustle of the city life, from the flooded (by cars, buses, etc) street of EDSA to the huge crowd of people going to and from their work.

my food buddies
Also, one major good news! If it's your first time to dine at Marina, their courteous manager would approach you and would pleasantly ask how's the food and your stay. He will also have you sign a form (i guess it's a survey form) and after that, will surprise you by giving you a discount coupon which you'll definitely use on your next visit. And guess how much is the discount? 50%.. That's for real.. 

So, dine now at Marina. Their breakfast buffet awaits you...

** This is not a paid advertisement for Marina.. I just love the place, the people and their food.. Just showing my appreciation! **


Tuesday, February 15, 2011

Relo

Balik muna ako sa nakaraan ha..

Nakuha ko yung idea sa post na isa nating ka-blogger, si Cheenee at ang kanyang gift na relo..

Just last Hearts day, when we're still together, he surprised me with a Valentine gift: a Tomato watch. Di naman kamahalan pero I didn't expect it from him. He used to give me gifts pero eto biglaan. We didn't have any plans that day as to how are we gonna celebrate the Hearts day. 

All I knew then is that he'll drop by sa house, we'll have some snacks then movie marathon then prep na ako papunta sa office. Then ihahatid nya ako gamit yung motor nya.

So the moment he gave me the bag, I hurriedly opened it and tried it for myself. I even took pictures of it. 



Aawwttss.. I am missing him.. Missing him badly... But we both now have separate lives. I don't know if he still misses me, the way I am missing him.. 

Ayokong maging plastic if I'm gonna tell you that I'm happy for him, kung nasaan man sya ngayon. His memory still lingers in my head. Im still hoping na babalik sya. At gusto ko madatnan nyang suot ko pa rin yung relo. 

Tulad ng sinambit ni Cheenee, "bawat seconds nyan isipin mo may isang taong naghihintay sayo, naghihintay sa yakap at pagaalaga mo, paalala din nyan na ''tumatakbo ang oras"

Di ko masasabi kung makapaghihintay ako, pero hanggat kaya ko, hanggat andito pa rin yung pagmamahal ko sa kanya, buong puso ako maghihintay. Mamasdan ang mga segundo, minuto at oras na lilipas at tatanawin ang muli nyang pagbabalik.


Vday-dream 2011

Just want to share with you how I celebrated V-day at the office. Well, sabi ko nga, just like any other holidays, V-day, too, will pass.. Not that I am bitter but just facing the fact. Why lots of people dwell on this V-day? Should I really make a big deal out if it? 'Just an ordinary day for an ordinary girl like me.. Especially now that I am gonna be celebrating it all by myself.. My first time.

(sob.. sob..)

Okay, so this is how I started my V-day celebration. Spent the whole morning blogging, nibbling on chips, watching telenovelas. Then prepped myself to work. Travelling from home to work normally consumed an hour of my time. Guess what I always do when travelling? Daydreaming..

I love to daydream.. For it is where all my dreams and aspirations become true. Agree with me?

Syempre, since it's V-day, V-day na din ang napili kong topic sa aking day dream..

Habang umaandar ang fx along Mindanao Ave, naisip ko, will there be anyone who has the guts to give me something on V-day? And who would that be? Keychain. Ex. Crushes. Friends.

It's hard to choose one, so I chose all. (swapang lang! :p) Different scenarios. Different lines. Different ways of giving me flowers and chocs. Nadala ko yung daydreaming ko hanggang MRT, makababa ng MRT, naglalakad sa may Pioneer hanggang sa pagsakay ng elevator.

Wala. Wala man lang nag-materialize sa daydream ko. I thought may makakasabay ako sa MRT, o makakasabay sa paglalakad, o may maghihintay sa entrance ng mall, o may magpapadala sa office. Pero wala. Wala.

What do you all expect..? Lalong nalungkot ang lola nyo..

Ayan ang napala sa kaka-daydream..

Pero naisip ko, V-day isn't over yet! Since my work starts at 9pm, I still have 3 hours to celebrate V-day and 3 hours of waiting for that someone who would dare give me flowers or chocs. But the clock already strike at 12mn. Nothing. Wala.

So I wished V-day it's goodbye...

But, wait... di pa tapos!

Just in time, our HR peeps came down and brought us people on the floor boxes of chocolates.. Whew! Humabol pa oh! Thankful na din ako, may maiuuwi ako at maipagmamalaki sa kapatid kong may ka-date kagabi na "Hey, sis, may chocolates din ako.. bigay nga lang ng HR.."

I was in charged of giving out all the chocolates with matching sign off sheets (bilang kasi yung mga chocolates, bawal ang kupit..). Natuwa naman ako sa kagandahang loob ng HR namin. Naisip nila siguro paano naman yung mga walang matatanggap sa V-day.. So kahit chocolates, na obvious na pampalubag loob, eh nagbigay sila.

Ganito yung itsura ng chocolate:


... pero di ganyan kasarap..

... try to imagine, kulay red sya at may isang maliit na papel na nagsasabing "Happy Valentines, from your SD" , pero mukhang yari sa floor wax na hugis puso kesa yari sa chocolate.. pinamigay ko na lang, nakatulong pa ako sa mga mahihilig sa chocolates sa office. 

Dumaan na ang Feb 15, tapos na ang V-day, wala talaga. Tapos na ang shift ko, wala talaga. Hanggang pagbati lang from friends and textmates.

I thought I would really bid V-day goodbye with a sad look on my face.. But, wait....

Habang naglalakad ako papuntang MRT, may naaaninag akong isang pamilyar na indibidwal.. At habang naaaninag ko sya, lumalakas ang kabog na puso ko..

Hulaan nyo..??

Asus, eh di si keychain... ahaha.. (landi lang!)

Nakaharap sa aking direksyon, may kasama sya. Di ko alam ang gagawin ko. Babatiin ko ba? O dedma? 

Hulaan nyo ang ginawa ko..??

Tinapunan ko na lang sya ng isang  matamis na ngiti.. Kahit walang Hi o Hello.. Ayos na yun.

Laking pasalamat ko sa Araw ng mga Puso.. Akala ko forever na nya akong nalimot. Di pa pala. Masyado lang akong sinabik. May sorpresa palang naghihintay sa akin.

So kahit masaklap ang naging ending ng daydream ko at hindi ako nasiyahan sa chocolates na natanggap ko, okay lang.. Keri lang.. Nakita ko naman keychain ko..

Monday, February 14, 2011

Majestic Majayjay

Our tropa has landed to another adventure. This time we're off to Majayjay, Laguna. I've always wanted to go to this place long time ago, way back when I was still a trainee (so that's nearly 4 yrs from now). Finally, it has materialized..





We took the back door route. We passed the provinces of Rizal (Tanay, Baras, Pililia, etc) and Laguna (Siniloan, Paete, etc). Quite a long journey but I enjoyed it much. Gusto ko yung maraming nakikita. 

We stayed overnight. Even if  were not really prepared for this journey (try to imagine going on a camping without the essentials), good thing there's an array of store that sells everything. And kung di mo feel magcamping pero feel mo mag-stay overnight, may mga rooms for rent sila! Ganun ka-commercialized ang Majayjay. 

We rented a camping tent, a huge one, para magkasya ang 6 na tao plus bought kahoy na panggatong, para sa bonfire at pangluto. 

down to the falls

camping area

Taytay falls

camping buddies
Sarap sana magswim pero super lamig ng tubig, so dip-dip lang. Buhay na buhay ang tubig sa falls, halos tangayin na kami. Unlike any other falls, di sya madulas pero mabato. At ang tubig, super linaw!



It even rained but not that hard, enough para pumasok lahat sa tent at magsiksikan. At ng gumabi na, gosh, pitch black! As in wala ka makikita o maaninag man lang. At dahil malamig ang hangin at mabisang pampaantok ang marinig ang lagaslas ng tubig, we went to sleep. Except for some na nalabanan ang antok at nagawang uminom (sayang, na-miss ko ang The Bar..)

Kinaumagahan, naglakad-lakad kami. Wandered the beauty of nature. Nagphoto shoot sa falls at sa hanging bridge. 




On our way going home, we took the south road. We passed the provinces of Quezon (Lucban, Lucena, etc), Batangas and Laguna all the way to SLEX then Manila. 

Sayang, di ako nakahanap o nakabili man lang ng souvenir items from Majayjay (kung meron man nagtitinda ng ganun..). When we passed Lucban, I bought my mom the famous Lucban longganisa, and buko pie when we passed Laguna. 

It's an adventure I won't ever forget. Daming first time memories especially the camping. I'm gonna do it again. Sa ngayon, I'm looking na for other falls to explore dito sa Luzon.

Happy Hearts Day!


Maligayang Araw ng mga Puso.. ♥♥♥

Matutuwa ba ako o malulungkot..?? Dumaan na ang araw na pinaka-iiwasan ko.. Para sa inyong kaalaman, ito ang unang araw na ipagdiriwang ko ito ng mag-isa.. Oo, single na kasi ako.. (ayan, paiyak na ko..)

Di ako dapat malungkot. Tama di ba? Di lang naman para sa mga magsing-irog ang araw na ito ah.. Pwedeng ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga kaibigan. Pero mas nananaig kasi ang mga couples sa araw na ito.. kainis..

Kahapon, bisperas ng Hearts day, at restday nila ate at kuya, napadaan ako sa mall. Jusko! Kaliwa't kanan puro couples ang nasasalubong ko. At binabaha ng mga bulaklak at hugis puso na balloons ang paligid ko. Pati mga kainan may mga Valentine promo, pati mga specialty shops.. Kung may special someone ako, malamang super na-appreciate ko 'to. Pero ngayon, di naman sa bitter, pero dedma na lang. Katwiran ko, isang araw lang naman 'to. This, too, will pass.. Awts!

Sabi nila, kung wala kang special someone to celebrate this day with, i-celebrate na lang daw with yourself. Book yourself a massage, indulge in chocolates and ice cream, shop til you drop. In short, love yourself. Wala namang ibang magmamahal sa atin ng sobra kundi ang sarili natin. Walang makakapantay sa pagmamahal na hinahangad natin kundi tayo lang. And we really have to learn loving ourselves first so others would learn to love us back.

Para sa mga miyembro ng Bitter Ocampo club, please do not hate this day. We have lots of options to celebrate this day. Let's all wish everyone (especially si -ex) na maging happy din. Kung di pa man tayo nakakahanap ng someone who will truly love us, be patient lang. Lagi ko itong sinasabi sa mga kaibigan kong single, nabigo sa pag-ibig, man-hater at hopeless romantics:

God never leaves anyone empty-handed.

In short, talagang may nakalaan para sa atin. Only time will tell kung kelan sya darating. Maybe God is putting us into test or nire-ready Nya lang tayo to meet the One. Always have hopes, think of happy thoughts and be positive. Eventually, everything will go into proper places. 

Saturday, February 12, 2011

16th Hot Air Balloon Fiesta


Thanks to my bff Chino. He brought me here and witnessed for myself the hot air balloon fest. My first time. 




We left Manila at around 3am and reached Dau, Pampanga in an hour. We took two jeepney  rides going to the event. We thought we might get lost, but that's impossible to happen for a lot of travelers/backpackers like us lined up the streets of Pampanga heading to the same place we're going. Got so enthralled by the huge number of guests who traveled all the way from Manila or nearby towns just to witness this spectacular event. Cars and other types of vehicles flooded the streets of Clark. We didn't expect the large number of guests for it is too early. But I guess they seemed so agitated to witness the first event of the fest, the Hot Air Balloon.

Everyone has their own fair share of places to stay. Others set up tents so they could rest while waiting for the event to start. Others set up their cameras and video cams to capture the highlights of the fest. Our wait didn't take longer for participants started to set up their stuff when the sun hasn't risen yet. 









The event also showcased exhibitions of airplanes, helicopters and jet planes. I've seen real planes as well, like the one they're using for search and rescue missions. Also, real men in their uniforms, from soldiers to coast guards.








free photo souvenir :)
I enjoyed a lot in this event. I learned a lot, seen a lot (esp my friend Chie), and received lots of goodies (brochures, pictures, button pins). I promise to come back here next year and witness this again. Time's well spent and the adventure's worthwhile!




Love Rocks: Dan Hill & Stephen Bishop

I am a hopeless romantic. I easily fall in love, laugh and go into tears. I fancy sad, romantic stories. And sad, romantic songs..

So, when I heard that Dan Hill and Stephen Bishop will be having a concert here, me and bff Chino didn't think twice of buying ourselves tickets to the concert.. We're so uber excited.

We're a big fan of these two great musician. They're not only singers, they're composers too. We were enthralled by their music. And their songs left me into tears..

Stephen Bishop sang It Might Be You, On and On, Separate Lives and Something New In My Life.

Dan Hill sang I Never Thought That I Could Love, Can't We Try, Sometimes When We Touch and Why Do We Always Hurt The Ones We Love





Blog Post

galatrip friends love food life labtrip gastronomic adventure blog cebu bohol travel fall in love mary dinkle roadtrip work foods maxhorowitz miss shinchan budget foodtrip friend hate intramuros keychain macky trip valentines 2011 Marq beach blogger chat events family goodbye happiness happy hurt movie puso song vacay work-life balance write 2010 2012 araneta atimonan bdj belled de jour power planner ber months bestfriend bonding camping casa manila chance christmas circle concert dampa december dragons drink emo followed fun gifts inasal la mesa ecopark leave lucban miyaka moa money new year november occassion pain park philippine blogging summit planner prizes quezon restaurant rodics sand sto nino sunken garden superbowl tagaytay thoughts water zipline 143 3 months Atom Araullo Bayukbok Cave Big 4 Blackbeard's Seafood Island CnT Eton Centris Fuente Osmena Lapu-Lapu Larsian LetGo Mactan Shrine Mt.Manalmon NES94 PDI Plant with Me Sidcor UP college of law acceptance ademar admire affected airport alicia keys amnesia girl ana santos animals antok apple asap assume attention avatar azkals baby back ribs back baclayon church balance banchetto barbeque basketball batangas beer best best i ever had bff bilar bills binangonan binondo birds birthday bjd black swan bloggersfest blood compact bolo boodle feast booster bora buffet buhay busy care carla casa verde caving celfone cheat chinchan chinese chocolate hills chocolates chowbiz chupers church city hall. quezon climb clue comfy confident conti's countryside credit card crosswinds resort crown regency crush cuenca cute cutest cutest newsman dagat daing dan hill daranak falls dd1 dd2 dd3 dd4 dear diary dearest delicacies dependency diamond disappoint dont forget dots dq dried mango dunk eat edward cullen embarrass eraserheads expect expenses extra face faceurmanga facial failure falls fan fashion fear fee ferry finale fireworks first football fort santiago fruits furniture game georgetown gone goods gulp guy handicraft hanging puso happy new year hearts day hike hold head up high holidays hope hot air balloon iblog7 iblog8 insectyora inspiration inspired ipod itouch itunes iyak janet's january jayj's journalist jump shots kamay ni hesus kapamilya karnibal killer krispy kreme kung hei fat choi labor day laguna las pinas bamboo organ lechon cebu leo let go lets face it letter letting go liebster award like lil sis live loboc river cruise longganisa loss lovelife lss magellans cross mahal majayjay malcolm hall mami g man-made forest mang inasal manila cathedral marikina marina marriage masochism masokista maxs may 1 meat miaka monday mood swings motor mots mountain move on mt. maculot music myself nba newsman ninoy aquino parks and wildlife no strings attached nuffnang ocean jet october opm optical illusion pahiyas palawan pamper pandayan panglao island parade party pasalubong pasig ferry ride pasko passion patience perya pet photography pictures pier one planes pop icon post power premises prestige prick promise prony pudtrip puerto galera purchasing power pyrolympics python qcmc rappel rappelling red reformatted relationship relo remember rendezvous reporter reunion rio movie riverbanks rockies rocks ropes roses salcedo park sampaguita suites sapul sbbs senses september sessionista sexandsensibilities shades share sharlene ship haus single sipatan hanging bridge sizzling pepper steak skywalk slumbook smoke smp smx something fishy sorry spelunking stalagmites starbucks starving stephen bishop stress sweet tooth swim tago tagultol tanay tapa tarsier tramway tricia gosingtian triciawillgoplaces tulog tweet twilight twitter up vampire vegetables video walled city warren weekend weekend market welcome white hat witty will save the world worst ym you to me are everything