1 hour ferry ride papuntang Bohol.. At pabalik ng Cebu.. Akala ko 10-15 mins lang.. Halos namutla ako sa nalaman ko at gusto kong himatayin. Ang dami kong tanong na halos bumara na sa utak ko. Ito kasi ang unang pagkakaton kong sumakay ng ferry.
Kayanin ko kaya ang byahe? Kayanin ko kaya ang walang makita kundi tubig lang?
Paano kung lumubog ang ferry? Sagipin kaya ako ng mga kaibigan ko?
May makikita kaya akong pating sa dagat? O sirena kaya?
Masuka kaya ako sa hampas ng alon?
Meron din bang mga crew na magtuturo ng safety tips?
May cute kaya kaming makasabay sa pagsakay ng ferry? Makikipag-kilala kaya sya sa akin? (kalandian ko lang yan.. )
Nakasakay na pala ako ng ferry, Pasig ferry ride nga lang. Sa river lang yun naglalayag, pero ito sa dagat! omaygad..

