Antok na ko.. hmm.. |
Ayon sa nabasa kong dyaryo, hindi naman daw required para sa isang tao ang matulog ng walong oras o higit pa. Basta nakapahinga ang katawan at nakabawi sa naubos na enerhiya, ayos na.
Nung bata ako, lagi akong pinapatulog ng mama ko tuwing hapon. Para daw lumaki pa ako. Tumangkad. May mga oras na maniniwala ako sa mama ko at pagbibigyan ang kahilingan nyang matulog. Sino bang ayaw tumangkad? Para pag matangkad na ako, wala ng pwedeng mang-bully sa akin. Hmp! Subukan nila! At saka, paggising ko, may nakahanda ng merienda. Isang Chokies na orange flavor at Zesto. Bibigyan pa daw ako ng piso pambili ng Mr. Cinco. Galing manuhol noh!
Ngunit may mga araw naman na halos bugbugin na nya ako dahil sa ayaw kong matulog. Yung kailangan pang umiyak ako sa harapan nya at magmakaawa na wag ng patulugin. Hanggang di ko namamalayan nakatulog na ako dahil napagod ako sa pag-iyak. Naisahan na naman ako!
Isa pang diskarte ko noon pag ayaw kong matulog pero ayaw ko din mapalo ay yung magpapanggap na tulog. Magtutulog-tulugan. Pipikit ng madiin na madiin (na I'm sure obvious sa mama ko ang pakulo ko!) at hihintayin tumuntong ang orasan mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon. Pag patak ng alas-4, kunyaring maghihikab sabay unat ng mga braso. Best aktres!
Ano ba talaga ang nasa likod ng teoryang ito? Bakit ba kailangang matulog ng mga bata tuwing hapon? Di ba pwedeng maglaro na lang (katwiran ni mama, mainit sa labas, kukutuhin ka! ) o manood ng tv (walang cartoons pag hapon, di pambata ang mga palabas!) Di na naubusan ng katwiran si mama, mapatulog lang kami!
Nang makatapos ako ng elementary, laking tuwa ko dahil tapos na ang sakripisyo kong matulog tuwing hapon. Kasi ang klase ko nung high school ay inaabot ng maghapon. Ligtas ako! Yes.. Kaya yung 2 kapatid ko na lang ang nagdurusa.
Kahit sa gabi, nung mga bata pa kami, di pa rin kami nakaligtas sa tulog na yan. May oras pa din ang pagtulog. Kahit dilat na dilat pa ang mga mata ko at gustong-gusto ko pa manood, pero pag sinabi ng mama ko na "Matulog na kayo.. at gigising pa tayo ng maaga" Yari na.. No choice kundi iwan ang tv. At pipilitin na namang matulog sa pamamagitan ng pagpikit ng madiin ng aking mga mata.
Nadala ko ang pagtulog ng maaga hanggang matapos ako ng kolehiyo. Laking pasalamat ko dahil hindi naman ako na-late minsan ng pagpasok ng mga panahong iyon. Ikaw na ang may kumpletong tulog gabi-gabi..
Nang matapos ako sa pag-aaral at nakapagsimulang magtrabaho, sa wakas, nilubayan na din ako ng nanay ko. Di na ako inaaya matulog ng maaga. Katwiran ko, tapos na ang klase, wala na akong pasok bukas. Minsan pasigaw ko pang sinasabi, "ako naman ang papasok sa trabaho bukas ah.. di pa ako inaantok!"
Kung dati-rati sinesermonan ako ng tita kong matulog na agad kahit sya nga itong tulog na sa harap ng tv at kapag pinuna mo pa na natutulog na sya, sasabihin pang, "gising kaya ako.. matulog ka na nga!" salbahe lang di ba? Ngayon, ako na ang naninermon sa kanya.. harharhar! Ako na ang nagpapatulog sa kanya. Hanggang sa ako na lang ang maiwan mag-isa sa harap ng tv at lahat sila'y tulog na.. Sarap buhay!
Naging habit ko ang di pagtulog ng husto, kaya di maiwasan na nala-late na ako sa trabaho.. (nabawi na sa akin ang korona ng pagiging most punctual.. hmp!) Ang tulog ko mula 4 hanggang 5 oras na lang. Nagpatuloy ako sa ganung set-up ng pagtulog. Ilang taon na ba ako nagtratrabaho? Ilang oras pa lang ang naitutulog ko..
Sabi ko sa sarili ko, malakas ako. Kung magpuyat man ako, kaya ko labanan. Umorder pa ako ng mga vitamins tulad ng Centrum at Stresstab. Pero nagkamali ako..
Ang panga-abuso ko umabot na yata sa sukdulan. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong nagiging antukin na ako. Hindi na kayang tapatan ng kape, di tulad ng dati. Kahit lampas 5 oras ang tulog ko, antok pa din ako. Tulog agad pagsakay ng FX, sa MRT hanggang pagdating sa opis. Pagtapos ng trabaho, uuwi agad para makatulog, tulog ulit sa bus, sa tricycle, kahit sa paglalakad napapa-idlip ako. Pag rest day ko, at walang lakad, matutulog lang ako maghapon. Di na nga ako updated sa mga palabas sa tv and kanta sa mga radyo.
Hay.. Tama pala yung kasabihang di bale ng sobra, wag lang kulang! Ngayon ko lang na-appreciate ang tulog.
Dahil sa trahedyang ito, ito lang ang masasabi ko:
♫♪ Ako ngayo'y nasasabik sa aking kama at sa malupit kong unan
Ba't di ka na lang sumama, hihiga tayo at kakanta.. ♪♫
Kama Supra ng Eraserheads
buti naman di ka nakatulog habang binablog mo to hehe ^^ nasanay na katawan ko sa puyatan.pero pag matulog naman ako..parang wala ng bukas..ehhe
ReplyDeleteGrabe ngayon mo lang naapreciate ang TULOG! Hanep! Hahahah..buong buhay ko naghahanap ako ng tulog... MASA tawag sa school.. MASANDAL tulog..kase pagod na pagod ako sa byahe pagpumapasok...sa makati galing laguna. Lol.
ReplyDeleteHahahah..
naaalala ko..nagkukunya-kunyarian din akong tulog..pero nakakatulog ako talaga..hahaha
Sendo: sa totoo, antok na antok na ako habang ginagawa ito pero sa kadahilanang di maipaliwanag, nagawa ko itong matapos. marahil sa paghahangad na mabasa ito ng mga co-blogger kong tulad mo.. :)
ReplyDeletenakakapagpuyat pa rin naman ako lalo na pag may lakad, at tulad mo, pag natulog ako, kinabukasan na ang gising!
Kamila: grabe naman ang layo ng byahe mo.. di malabong di ka makatulog mula byahe hanggang sa skul. ewan ko ba kung ano ang humahatak sa akin at mabilis akong makatulog ngaun. nagiging masa- na din ako! :)
haaay naku ako din kulang s atulo... yan ang isang panagrap ko paminsan minsan ang makatulog ng walo o higit pang oras... haaaaaaaaay
ReplyDeleteUno: subukan mong tuparin ang iyong pangarap.. ang matulog!
ReplyDeleteanu po ba height nyo??
ReplyDeleteako d mkatulog.. kya ang baba ng height ko eh..
ReplyDeletetama lang sa laki.. di katangkaran, di rin kabababaan.. haha.. :)
ReplyDelete