Just want to share with you how I celebrated V-day at the office. Well, sabi ko nga, just like any other holidays, V-day, too, will pass.. Not that I am bitter but just facing the fact. Why lots of people dwell on this V-day? Should I really make a big deal out if it? 'Just an ordinary day for an ordinary girl like me.. Especially now that I am gonna be celebrating it all by myself.. My first time.
(sob.. sob..)
Okay, so this is how I started my V-day celebration. Spent the whole morning blogging, nibbling on chips, watching telenovelas. Then prepped myself to work. Travelling from home to work normally consumed an hour of my time. Guess what I always do when travelling? Daydreaming..
I love to daydream.. For it is where all my dreams and aspirations become true. Agree with me?
Syempre, since it's V-day, V-day na din ang napili kong topic sa aking day dream..
Habang umaandar ang fx along Mindanao Ave, naisip ko, will there be anyone who has the guts to give me something on V-day? And who would that be? Keychain. Ex. Crushes. Friends.
It's hard to choose one, so I chose all. (swapang lang! :p) Different scenarios. Different lines. Different ways of giving me flowers and chocs. Nadala ko yung daydreaming ko hanggang MRT, makababa ng MRT, naglalakad sa may Pioneer hanggang sa pagsakay ng elevator.
Wala. Wala man lang nag-materialize sa daydream ko. I thought may makakasabay ako sa MRT, o makakasabay sa paglalakad, o may maghihintay sa entrance ng mall, o may magpapadala sa office. Pero wala. Wala.
What do you all expect..? Lalong nalungkot ang lola nyo..
Ayan ang napala sa kaka-daydream..
Pero naisip ko, V-day isn't over yet! Since my work starts at 9pm, I still have 3 hours to celebrate V-day and 3 hours of waiting for that someone who would dare give me flowers or chocs. But the clock already strike at 12mn. Nothing. Wala.
So I wished V-day it's goodbye...
But, wait... di pa tapos!
Just in time, our HR peeps came down and brought us people on the floor boxes of chocolates.. Whew! Humabol pa oh! Thankful na din ako, may maiuuwi ako at maipagmamalaki sa kapatid kong may ka-date kagabi na "Hey, sis, may chocolates din ako.. bigay nga lang ng HR.."
I was in charged of giving out all the chocolates with matching sign off sheets (bilang kasi yung mga chocolates, bawal ang kupit..). Natuwa naman ako sa kagandahang loob ng HR namin. Naisip nila siguro paano naman yung mga walang matatanggap sa V-day.. So kahit chocolates, na obvious na pampalubag loob, eh nagbigay sila.
Ganito yung itsura ng chocolate:
... pero di ganyan kasarap..
... try to imagine, kulay red sya at may isang maliit na papel na nagsasabing "Happy Valentines, from your SD" , pero mukhang yari sa floor wax na hugis puso kesa yari sa chocolate.. pinamigay ko na lang, nakatulong pa ako sa mga mahihilig sa chocolates sa office.
Dumaan na ang Feb 15, tapos na ang V-day, wala talaga. Tapos na ang shift ko, wala talaga. Hanggang pagbati lang from friends and textmates.
I thought I would really bid V-day goodbye with a sad look on my face.. But, wait....
Habang naglalakad ako papuntang MRT, may naaaninag akong isang pamilyar na indibidwal.. At habang naaaninag ko sya, lumalakas ang kabog na puso ko..
Hulaan nyo..??
Asus, eh di si keychain... ahaha.. (landi lang!)
Nakaharap sa aking direksyon, may kasama sya. Di ko alam ang gagawin ko. Babatiin ko ba? O dedma?
Hulaan nyo ang ginawa ko..??
Tinapunan ko na lang sya ng isang matamis na ngiti.. Kahit walang Hi o Hello.. Ayos na yun.
Laking pasalamat ko sa Araw ng mga Puso.. Akala ko forever na nya akong nalimot. Di pa pala. Masyado lang akong sinabik. May sorpresa palang naghihintay sa akin.
So kahit masaklap ang naging ending ng daydream ko at hindi ako nasiyahan sa chocolates na natanggap ko, okay lang.. Keri lang.. Nakita ko naman keychain ko..
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!