Maligayang Araw ng mga Puso.. ♥♥♥
Matutuwa ba ako o malulungkot..?? Dumaan na ang araw na pinaka-iiwasan ko.. Para sa inyong kaalaman, ito ang unang araw na ipagdiriwang ko ito ng mag-isa.. Oo, single na kasi ako.. (ayan, paiyak na ko..)
Di ako dapat malungkot. Tama di ba? Di lang naman para sa mga magsing-irog ang araw na ito ah.. Pwedeng ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga kaibigan. Pero mas nananaig kasi ang mga couples sa araw na ito.. kainis..
Kahapon, bisperas ng Hearts day, at restday nila ate at kuya, napadaan ako sa mall. Jusko! Kaliwa't kanan puro couples ang nasasalubong ko. At binabaha ng mga bulaklak at hugis puso na balloons ang paligid ko. Pati mga kainan may mga Valentine promo, pati mga specialty shops.. Kung may special someone ako, malamang super na-appreciate ko 'to. Pero ngayon, di naman sa bitter, pero dedma na lang. Katwiran ko, isang araw lang naman 'to. This, too, will pass.. Awts!
Sabi nila, kung wala kang special someone to celebrate this day with, i-celebrate na lang daw with yourself. Book yourself a massage, indulge in chocolates and ice cream, shop til you drop. In short, love yourself. Wala namang ibang magmamahal sa atin ng sobra kundi ang sarili natin. Walang makakapantay sa pagmamahal na hinahangad natin kundi tayo lang. And we really have to learn loving ourselves first so others would learn to love us back.
Para sa mga miyembro ng Bitter Ocampo club, please do not hate this day. We have lots of options to celebrate this day. Let's all wish everyone (especially si -ex) na maging happy din. Kung di pa man tayo nakakahanap ng someone who will truly love us, be patient lang. Lagi ko itong sinasabi sa mga kaibigan kong single, nabigo sa pag-ibig, man-hater at hopeless romantics:
God never leaves anyone empty-handed.
In short, talagang may nakalaan para sa atin. Only time will tell kung kelan sya darating. Maybe God is putting us into test or nire-ready Nya lang tayo to meet the One. Always have hopes, think of happy thoughts and be positive. Eventually, everything will go into proper places.
sakin naman, sa pamamasyal namin kahapon, sari saring promo ng motel ang aking nakita hahaha.. di pede single dun.. dapat couple hehehe
ReplyDeletehappy valentine's day po :)
ahaha.. sa bandang Pasig ka naglibot kahapon noh...?? required talagang couple lang ang pwede mag-check in?
ReplyDeletesa pasig lang ba madami nun??? hindi ah!!! its everywhere! wahahahaha.... nakiepal eh... ahaha
ReplyDeletenaku, gala ka ba sa mga ganyang lugar Rap..?? Alam mo talagang hindi lang sa Pasig maraming ganun ah.. tsk.. tsk.. :p
ReplyDelete