bye.. bye.. Vday.. |
Ilang days na lang, Heart's month is finally oooover... whew! whatta relief!
Hirap kong kinimkim ang inggit na sumusukob sa aking pagkatao habang nakikita ko ang mga mag-jowang namamasyal sa mall at HHWW pa sila.. Ang saya-saya nila. Iniinggit nila ako (dahil wala akong jowa.. ahuhu..)
Oo na, buwan nyo na ito.. Kayo na ang maswerte. Pero matatapos din ang kaligayahan niyo dahil darating na ang Marso, at mawawala na ulit kayo sa eksena. At magkakahiwalay din kayo.. nyahahaha...
Super bitter-ena naman ako dito..
____________________________________
Baka naman maniwala kayo.. H'wag!!! Exxag lang ako umarte.. Lam nyo na, para makakuha ng attention.. hehe.. Di naman ako marunong manumpa ng tao at mas lalong di ako bitter. Masaklap man ang nangyari sa aking buhay pag-ibig at inaamin kong may inggit factor akong nadarama sa t'wing makakakita ng mag-jowang sweet na sweet pero hindi sapat na kadahilanan yun para maging member ako ng Bitter Ocampo club.
Aminado ako na ito ang unang Heart's day na kailangan ko i-celebrate mag-isa. Nami-miss ko na yung hinayupak na yun kahit pa hindi maganda ang naging ending ng aming pag-iibigan. Meron pa rin syang munting bahagi sa aking puso at mananatili sya dun.
Nitong nagdaang Heart's day, umasam ako na makatagpo ng kapareha. Nanalangin na sana mapalad akong mapana ni Kupido. Pero kamalas-malasan, naipit sa trapik si Kupido (ikaw na ang tumira sa traffic capital of the Phils) kaya di na nakaabot sa Balentayms.. kay saklap!
Wala man akong natanggap na bulaklak, meron naman na mga stuffed hearts on stick na bigay sa akin ng mga mahal kong friends (dahil ba mahal nila talaga ako o dahil sa awang walang nagbibigay sa akin..??) Pasalamat naman ako dahil may natanggap naman ako kahit paano sa araw ng mga Puso. Kesa naman bokya. kahiya!
Bigla kong naisip si ex, paano nya kaya ni-celebrate ang Hearts day..?? Sa piling ng iba..?? O mag-isa..?? Kailangan ko pa ba malaman..?? Lalo lang ako masasaktan.. Pero ako yung tipo ng taong kahit alam kong masasaktan ako, pilit ko pa din aalamin. To see is to believe ang drama ko. In short, masokista.
Ahem, ibang usapin na yung pagiging masokista ko. Next post na yun. :p
Ang tinutumbok lang ng post kong ito ay sana matapos man ang buwan na ito manatili pa din sa atin ang pag-asang magmahal muli (para sa mga katulad kong sawi). Wag natin isisi sa iba ang ating mga kamalian. Kung hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng buhay pag-ibig natin, hindi rason yun para hindi na tayo muling magmahal. Hindi lang dapat every Hearts day natin ipinagdiriwang ang pagmamahal natin sa mga kapareha natin. Dapat araw-araw, kahit sa mumunting paraan, maipakita natin kung gaano tayo kapalad na may nagmamahal sa atin sa kanilang katauhan.
Masarap magmahal. Sobra. Sabi nga nila, kung gusto mo maranasan magmahal ng tunay dapat handa ka sa mga pagsubok ng pag-ibig tulad ng kasawian. Ako, hindi ko alintana kung masawi man ulit ako sa susunod na pag-ibig ko (pero wag naman sana.. knock on wood!), ang importante natutunan kong magmahal ulit at na-inspire pa ako. Open ako sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay pag-ibig ko. Wala akong sisihin. Wala akong panghihinayangan.
Make everyday a happy hearts day.. Show everyone how much you love them and be love in return. Take chances. Take the risk. From there you'll only find out what true love is.
According to Mother Theresa, love isn't just give and take.. it's give and give until it hurts..
tama, huwag mong pagsisihan ang nangyari, naging masaya ka din naman sknya kahit paano dba.. marami p naman jan eh.. gud luck! sana mahanap mo na ang muling magpapatibok ng iyong puso.. hehe!
ReplyDeletesalamat mommy.. sana magdilang anghel ka! :)
ReplyDelete