Showing posts with label keychain. Show all posts
Showing posts with label keychain. Show all posts

Thursday, April 7, 2011

Make Me Stay or Say Goodbye

Akala ko na-condition ko na ang sarili ko sa nalalapit kong paglisan. Hindi pa pala.. 

Sabi ko nga, I may have tons of reasons not to leave but only one can make me stay..

Ano yun? Sino yun? Sa mga nakakaalala pa, muli kong ibinabalik si Keychain.. Muli na naman nyang ginulo ang payapa kong buhay. Binuhay na naman nya ang pag-asa kong matapunan na naman nya ako ng tingin at ngiti. Maayos na sana ang lahat. Banayad na akong nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Naiayos ko na sa tamang lugar at naibilin ang mga trabahong maari kong maiwan sa aking pag-alis. 

Di na sya muling sumaglit sa isipan ko noon. Dahil siguro di ko na sya gaanong nasisilayan o nasasalubong man lang sa hallway. Pero mananatili pa rin ang alaala nya sa aking isipan. Not until nitong mga nakaraang araw na muli ko na naman syang napagkikita. Unti-unting nasisilayan ang kanyang mga ngiti at mga matang sa wari mo'y nangungusap.

Sadya bang lumalalim ang bokabularyo ng isang tao kapag in love..?? Pakiwari ko.. :p

Tanong ng mga kaibigan ko, paano kung mag-iba ang ihip ng hangin at bigla ka nyang tapunan ng pansin? Paano kung sya mismo ang hihiling na wag ka ng umalis at manatili na lang dito? Kapalit ay ang pagbibigay nya sa akin ng oras at, malay natin, pag-ibig.. (Ay, ang layo na ng narating ng imahinasyon ko..)

Bigla akong nagdalawang isip. Oo nga no.. Paano nga kung maglakas loob syang gawin yun? Ang pigilan ang aking paglisan, kapalit ang makasama sya ng pangmatagalan. Ay, kay tamis! Ewan ko. Ang hirap magdesisyon. Pera at karera laban sa tawag ng pag-ibig.. Aww...

Pero pilit nilalabanan ng isipan ko ang kaisipang iyon. Malabo yun mangyari. At nalalapit na ang paglisan ko. Kakapusin ng araw. At ayokong umasa, malamang sa wala! Di makatarungan na sya lamang ang tangi kong dahilan para manatili ako. Di makatarungan para sa mga ibang taong nagmamahal sa akin.

Nagpapasalamat na lang ako na kahit sa mumunting paraan, napaligaya nya ako, sa pamamagitan ng kanyang mga ngiti at tingin sa tuwing kami'y nagkakasalubong. Salamat at binigyan nya ako ng rason na manatili ng humigit kumulang apat na taon at rason na wag pumalya sa pagpasok sa trabaho, sa pagbabakasakaling makadaumpalad sya. Salamat sa mga ngiting itinanim nya sa aking mga labi, sa mga kilig na aking naramdaman, sa mga pagbabagong nangyari sa aking katauhan. 

Sa kanya ko iniaalay ang mga oras na ako'y laging naghahanda sa aming pagkikita, sa mga oras na aking ginugugol sa pagaayos para mapansin nya ang aking kariktan, at sa mga oras na ginagawa kong produktibo ang sarili ko para maipagmalaki nya ako.

Hiling ko na manatili syang masaya. Lagi pa rin ngingiti ng bonggang-bongga, yung labas ang  mga dimples at di na makita ang mga mata. Maging mas produktibo sana sya sa larangan na tinatahak nya at maging matagumpay. Sana, kahit ako'y wala na at di na kailan man makikita, maalala nya na may isang Angel na nag-exist sa buhay nya, na nakilala nya at nakatrabaho.

I still wanna make you make me stay but it's better I'd say goodbye. Goodbye not because it is the end of everything for us because I am still gonna look forward for our paths to cross again. You will always have a special place in my heart. You've helped become a better person. Helped me appreciate the goodness of others. Helped me become motivated and inspired. Goodbye simply because I would no longer feel and see your presence. That's just it. You will still be my keychain. 

Thank you Keychain. I owe u lot. 

Tuesday, February 15, 2011

Vday-dream 2011

Just want to share with you how I celebrated V-day at the office. Well, sabi ko nga, just like any other holidays, V-day, too, will pass.. Not that I am bitter but just facing the fact. Why lots of people dwell on this V-day? Should I really make a big deal out if it? 'Just an ordinary day for an ordinary girl like me.. Especially now that I am gonna be celebrating it all by myself.. My first time.

(sob.. sob..)

Okay, so this is how I started my V-day celebration. Spent the whole morning blogging, nibbling on chips, watching telenovelas. Then prepped myself to work. Travelling from home to work normally consumed an hour of my time. Guess what I always do when travelling? Daydreaming..

I love to daydream.. For it is where all my dreams and aspirations become true. Agree with me?

Syempre, since it's V-day, V-day na din ang napili kong topic sa aking day dream..

Habang umaandar ang fx along Mindanao Ave, naisip ko, will there be anyone who has the guts to give me something on V-day? And who would that be? Keychain. Ex. Crushes. Friends.

It's hard to choose one, so I chose all. (swapang lang! :p) Different scenarios. Different lines. Different ways of giving me flowers and chocs. Nadala ko yung daydreaming ko hanggang MRT, makababa ng MRT, naglalakad sa may Pioneer hanggang sa pagsakay ng elevator.

Wala. Wala man lang nag-materialize sa daydream ko. I thought may makakasabay ako sa MRT, o makakasabay sa paglalakad, o may maghihintay sa entrance ng mall, o may magpapadala sa office. Pero wala. Wala.

What do you all expect..? Lalong nalungkot ang lola nyo..

Ayan ang napala sa kaka-daydream..

Pero naisip ko, V-day isn't over yet! Since my work starts at 9pm, I still have 3 hours to celebrate V-day and 3 hours of waiting for that someone who would dare give me flowers or chocs. But the clock already strike at 12mn. Nothing. Wala.

So I wished V-day it's goodbye...

But, wait... di pa tapos!

Just in time, our HR peeps came down and brought us people on the floor boxes of chocolates.. Whew! Humabol pa oh! Thankful na din ako, may maiuuwi ako at maipagmamalaki sa kapatid kong may ka-date kagabi na "Hey, sis, may chocolates din ako.. bigay nga lang ng HR.."

I was in charged of giving out all the chocolates with matching sign off sheets (bilang kasi yung mga chocolates, bawal ang kupit..). Natuwa naman ako sa kagandahang loob ng HR namin. Naisip nila siguro paano naman yung mga walang matatanggap sa V-day.. So kahit chocolates, na obvious na pampalubag loob, eh nagbigay sila.

Ganito yung itsura ng chocolate:


... pero di ganyan kasarap..

... try to imagine, kulay red sya at may isang maliit na papel na nagsasabing "Happy Valentines, from your SD" , pero mukhang yari sa floor wax na hugis puso kesa yari sa chocolate.. pinamigay ko na lang, nakatulong pa ako sa mga mahihilig sa chocolates sa office. 

Dumaan na ang Feb 15, tapos na ang V-day, wala talaga. Tapos na ang shift ko, wala talaga. Hanggang pagbati lang from friends and textmates.

I thought I would really bid V-day goodbye with a sad look on my face.. But, wait....

Habang naglalakad ako papuntang MRT, may naaaninag akong isang pamilyar na indibidwal.. At habang naaaninag ko sya, lumalakas ang kabog na puso ko..

Hulaan nyo..??

Asus, eh di si keychain... ahaha.. (landi lang!)

Nakaharap sa aking direksyon, may kasama sya. Di ko alam ang gagawin ko. Babatiin ko ba? O dedma? 

Hulaan nyo ang ginawa ko..??

Tinapunan ko na lang sya ng isang  matamis na ngiti.. Kahit walang Hi o Hello.. Ayos na yun.

Laking pasalamat ko sa Araw ng mga Puso.. Akala ko forever na nya akong nalimot. Di pa pala. Masyado lang akong sinabik. May sorpresa palang naghihintay sa akin.

So kahit masaklap ang naging ending ng daydream ko at hindi ako nasiyahan sa chocolates na natanggap ko, okay lang.. Keri lang.. Nakita ko naman keychain ko..

Friday, February 11, 2011

I Love You Boy




Oh what a night!

'Di ako makatulog

Parang tukso tanging
Laman ng isip
Wala kundi ikaw

Bakit ganto?
I can't get over you
Kahit sarili ko'y ayaw
Maniwala
Sa nangyayaring ito...
Oooooh!

I love you, boy
If you only knew
Naiinis na ako sa iyo
Sobrang manhid ka
At 'di mo napapansin

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay

My foolish heart
Ikaw ang may
Kasalanan
Kung ikaw ba'y
Tumahimik na lamang
Ako'y 'di naguguluhan

Oh sayang lang
If I could be your
Right woman
Sana'y noon pa ma'y
Aking nasabing
Ikaw ay aking mahal

I love you, boy
If you only knew
Naiinis na ako sa iyo
Sobrang manhid ka
At 'di mo napapansin

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay

I'm head over heels, babe
I love you so much
I'm going crazy

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay


Keychain ♥

Nasobrahan na naman ako sa inspirasyon ngayong araw na ito. Halos habulin ko na ang hininga ko sa sobrang kilig na aking nadarama. Halos himatayin ako sa mga di inaasahang eksenang naganap sa pagitan namin ni Keychain.

Para sa mga di pa nakakaalam, Keychain ang alias na binigay ko sa crush ko.. Wala lang.. Cute lang ng dating. You're my keychain and I'm your key.. woot!

Let me share bakit ako sobrang inspired ngayon. Kanina pa ako kating-kati at di ko mapigilan ang sarili na i-share sa inyo ang isa sa mga kilig moments ng buhay ko. Iisipin nyong napaka-payak ng pangyayari pero para sa mga inspiradong tulad ko, isang malaking break ito!

Eto na..

Kailan ko lang naging crush si Keychain. Dati rati, di ko sya gaano pansin. Isa lang sa mga nagkalat na tao sa opisina namin. Then, napapansin ko medyo napapadalas ang daan nya sa area namin. Medyo may koneksyon ang aming mga trabaho. Dati, intimidated ako sa kanya. Pero mabait naman pala base sa mga naririnig ko sa mga kaibigan nya. Masayahin syang tao. Walang moment na nakita ko syang nakasimangot. Laging all smiles. At dahil chinito sya, ayan na, di na makita ang mga mata pag ngumingiti. Eh, yun pa naman ang weakness ng inyong abang lingkod. Chinito.

Ewan ko ba kung sinasadya nyang ngumiti lagi kahit saan sya mapunta. Parang ang saya-saya nya lagi. Kapag nakakasalubong ko sya, dahil sa mahiyain ako, isang tipid na ngiti lang ang kaya kong ibigay. At dahil nga sa crush ko sya, naku, hindi ko matitigan ng pangmatagalan. Sayang noh! Pagkakataon na eh..

May mga common friends kami at sa kanila ko sya nakikilala ng lubos. Napaka-private daw kasi nyang tao. Ni walang facebook account, ano ba yun! Pero ang pinaka-sad na narinig ko about him is that he's taken na daw. May gf. Which means, di pwede. Hanggang asa na lang. Pero may bulong-bulungan na medyo nagkakamalabuan na daw sila. Dapat ba ako magbunyi? So mean ko naman.. Pero may konting ngiting sumilay sa akingmga labi nung marinig ko yun.

Ngunit kahit medyo malapit na sya sa stage ng pagiging single, gaano naman ako kasigurado na mapapansin na nya ako? Maraming kakumpetensya, pakiramdam ko eh.. So hanggang tingin na naman ako..

Sabi ko sa sarili ko, wag ka umasa Angel.. Hangaan mo na lang sya. Hanggang dun na lang. Wag ng ipilit ang bagay na di pwede. Pasalamat na lang ako sa pagdating nya sa buhay ko at muli akong na-inspire. Nagkaron ulit ng kulay ang payak kong buhay. Nagkaron ako ng dahilan na bigyan ng oras ang sarili ko sa pagpapaganda at na-motivate akong mag-work sa pag-asang makita sya every shift. Nakatulong sya ng malaki sa pagkatao ko kahit malabong maging kami.

Pero para sa isang hopeless romantic na katulad ko, may konting asa factor pa. The more na napapansin nya ako, the more naggro-grow ang pag-asa! Katulad kanina, di nya lang ako binati at nginitian, sinambit nya pa ang aking pangalan. AN.GE.LI.CA. Syllable by syllable nyang binigkas. Sabay tingin sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Natitigan ko sya ng matagal-tagal. At tumatak yun sa isipan ko.

Sa sobrang kilig, halos nalamog na yung braso ng friend ko kakayugyog ko sa kanya. Di maipinta sa kasiyahan ang ngiti ko. Mula paglabas sa building hanggang sa pagsakay sa bus, sya at ang moments namin ang pilit na rumerehistro sa isipan ko. Kahit anong pilit kong matulog at ipahinga ang pagod na katawan, di ko magawa. Parang adik lang. High na high sa kilig!

Hanggang sa ibaling ko na lang sa blog itong nararamdaman ko. Gusto ko din ibahagi sa inyo eh. Para kiligin din kayo..hihi..

Kung anuman ang namamagitan at mamagitan sa amin ni Keychain, bahala na si batman. Kung di kami for each other, thank you na lang sa kanya dahil pinasaya nya ako. Pero kung maging kami (fingers crossed!), eh di bonggacious! Papa-inom pa ako ng Tanduay Ice..

Wednesday, January 19, 2011

Keychain

By definition:

A keychain is a small chain, usually made from metal or plastic, that connects a small item to a keyring.


si keychain ko


My own definition: 

A keychain refers to someone I've wanted/needed/adored for so long, that I'd want that person be tagged forever by my side. Kumbaga, walang alisan. Sa akin lang.

Paano ko nga ba naisipan gamitin yung word na keychain at i-associate ito to another person?

Kasi yung keychain sa akin lang yun. Pag-aari ko. Di makukuha sa akin. Identified na sya sa akin. Lagi ko sya hawak. Sya ang responsable sa safety ng mga susi ko. Sama-samang mga susi na napakahalaga sa akin. Susi sa bahay, sa cabinet, sa opisina. Ang keychain lang ang natatanging may karapatan na hawakan sila.

At ang koneksyon? 

Keychain ang itatawag ko sa special someone ko. At katulad ng keychain, sa kanya ko ihahabilin lahat ng importanteng bagay sa buhay ko. Mga tinatagong sikreto at pangarap sa buhay. At gusto ko sya kasama lagi. Hindi sya kailan man mawawalay sa paningin ko. At hinding-hindi ko kailan man iiwan lalo na kung saan-saan lang. Paka-iingatan ko sya. 

Di ba kahit kailan di natin nagawang kalimutan na hindi dalhin ang mga keychain natin? 

Ano na lang ang mangyayari sa akin pag nakalimutan ko ang keychain na laman ang mga susi? Nakakabaliw di ba? Iisipin ko kung saan na-misplace, babalikan yung lugar na napuntahan. Pero paano pag di ko na nakita? Yari na. Sadyang pabaya ba ako o makakalimutin lang? Kung matalas ang memorya, posible pang makita. Pero kung walang tyaga, wag na umasa pa. Ang ending, di makakapasok sa bahay, di mabubuksan ang cabinet, di makakapasok sa office. Sira ang buhay.

Parang sa pag-ibig, sa sobrang kapabayaan sa minamahal, di ko namamalayan na nawala na pala. Kung mahal ko at importante sa akin yung tao, anuman ang mangyari, hahanapin ko siya. Kahit saan pa ako makarating. Hindi dahil sa alam nya ang lahat sa akin, kundi paano ko pa mabubuo ang mga pangarap ko na hindi na siya kasama? Maaaring sa sobrang kaabalahan  ko, nakalimutan ko na pala ang mga pangangailangan nya. Kaya tuluyan na akong iniwan at di na kailan man makikita. 

At hindi tayo basta-basta nagmamay-ari ng keychain. May mga preferences tayo kung anong keychain ang gusto natin. May iba ang gusto bakal na keychain, yung iba plastic. May gusto heart, yung iba stars. Sa mga lalaki, gusto nila keychain na may koneksyon sa sasakyan. Sa mga babae, keychains na may koneksyon sa pag-ibig o pagpapaganda.

Katulad sa pag-ibig at sa pagpili ng mamahalin. Di naman tayo basta-basta pipili ng kung sino lang para maging boyfriend o girlfriend natin. May preferences tayo di ba? May gusto ng moreno, yung iba mestiso. May gusto ng may pagka-brusko, yung iba yung reserve-type. 

Kaya ako, pag nagka-keychain ako, este, nagka-lovelife ulit, gusto ko yung swak sa preference ko, hindi yung sapilitan na ginusto. Ituturing ko rin syang parang keychain. Hindi para gawing sabitan ng mga importanteng susi ko sa buhay. Kundi iingatan ko sya kasabay ng pag-iingat nya sa mga pangarap at sikreto ko. Sabay naming iingatan ito hanggang maisakatuparan namin pareho. At di ko hahayaan na mawalay sa akin ang keychain ko. 

Naisip ko, maganda ring term of endearment ang salitang keychain di ba? :)

Blog Post

galatrip friends love food life labtrip gastronomic adventure blog cebu bohol travel fall in love mary dinkle roadtrip work foods maxhorowitz miss shinchan budget foodtrip friend hate intramuros keychain macky trip valentines 2011 Marq beach blogger chat events family goodbye happiness happy hurt movie puso song vacay work-life balance write 2010 2012 araneta atimonan bdj belled de jour power planner ber months bestfriend bonding camping casa manila chance christmas circle concert dampa december dragons drink emo followed fun gifts inasal la mesa ecopark leave lucban miyaka moa money new year november occassion pain park philippine blogging summit planner prizes quezon restaurant rodics sand sto nino sunken garden superbowl tagaytay thoughts water zipline 143 3 months Atom Araullo Bayukbok Cave Big 4 Blackbeard's Seafood Island CnT Eton Centris Fuente Osmena Lapu-Lapu Larsian LetGo Mactan Shrine Mt.Manalmon NES94 PDI Plant with Me Sidcor UP college of law acceptance ademar admire affected airport alicia keys amnesia girl ana santos animals antok apple asap assume attention avatar azkals baby back ribs back baclayon church balance banchetto barbeque basketball batangas beer best best i ever had bff bilar bills binangonan binondo birds birthday bjd black swan bloggersfest blood compact bolo boodle feast booster bora buffet buhay busy care carla casa verde caving celfone cheat chinchan chinese chocolate hills chocolates chowbiz chupers church city hall. quezon climb clue comfy confident conti's countryside credit card crosswinds resort crown regency crush cuenca cute cutest cutest newsman dagat daing dan hill daranak falls dd1 dd2 dd3 dd4 dear diary dearest delicacies dependency diamond disappoint dont forget dots dq dried mango dunk eat edward cullen embarrass eraserheads expect expenses extra face faceurmanga facial failure falls fan fashion fear fee ferry finale fireworks first football fort santiago fruits furniture game georgetown gone goods gulp guy handicraft hanging puso happy new year hearts day hike hold head up high holidays hope hot air balloon iblog7 iblog8 insectyora inspiration inspired ipod itouch itunes iyak janet's january jayj's journalist jump shots kamay ni hesus kapamilya karnibal killer krispy kreme kung hei fat choi labor day laguna las pinas bamboo organ lechon cebu leo let go lets face it letter letting go liebster award like lil sis live loboc river cruise longganisa loss lovelife lss magellans cross mahal majayjay malcolm hall mami g man-made forest mang inasal manila cathedral marikina marina marriage masochism masokista maxs may 1 meat miaka monday mood swings motor mots mountain move on mt. maculot music myself nba newsman ninoy aquino parks and wildlife no strings attached nuffnang ocean jet october opm optical illusion pahiyas palawan pamper pandayan panglao island parade party pasalubong pasig ferry ride pasko passion patience perya pet photography pictures pier one planes pop icon post power premises prestige prick promise prony pudtrip puerto galera purchasing power pyrolympics python qcmc rappel rappelling red reformatted relationship relo remember rendezvous reporter reunion rio movie riverbanks rockies rocks ropes roses salcedo park sampaguita suites sapul sbbs senses september sessionista sexandsensibilities shades share sharlene ship haus single sipatan hanging bridge sizzling pepper steak skywalk slumbook smoke smp smx something fishy sorry spelunking stalagmites starbucks starving stephen bishop stress sweet tooth swim tago tagultol tanay tapa tarsier tramway tricia gosingtian triciawillgoplaces tulog tweet twilight twitter up vampire vegetables video walled city warren weekend weekend market welcome white hat witty will save the world worst ym you to me are everything