Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

Monday, July 4, 2011

Declutter.Destress.Defining the new Me.

Declutter. (vb. to simply get rid of a mess)

Di ko namalayan, tambak na ang mga bagay na di ko na pala kailangan sa buhay ko. Mga bagay na pilit kong itinago at inipon sa aking alaala sa pagbabakasakaling pwede ko pa syang sariwain sa mga darating na panahon. Pero hindi na pala. So, ano pang gamit ng mga bagay at alaalang ito? Naisip ko di ko na rin naman sya mapapakinabangan. Di ko na rin kailangan pang alalahanin. Naisip ko na syang alisin, nang permanente, sa buhay ko. Tama na ang matagal na paghihintay  sa muling pananariwa ng mga alaala. Hindi sa nawawalan ako ng pag-asa, pero alam kong wala ng patutunguhan. At di ko naman pinangarap na habambuhay na maghintay. Maraming surpresa ang naghihintay sa akin. Yun ang mas dapat kong unahin at bigyang halaga.

De-stress. (to release bodily or mental tension)

Sa sobrang ginawa kong pre-occupied ang sarili ko sa mga bagay na di naman nararapat bigyang-pansin, unti-unti kong nararamdaman ang stress sa katawan ko. Nanghihina, nanlulumo, nalulungkot. Mga katangiang di ko ninais makamtan at maramdaman. Kahit kailan di ko pinangarap na makita ang sarili kong namumuhay ng miserable. Sino ba ang may gusto? Kaya kung ganyan lang din ang mga kinakaharap ko, mas mamabutihin kong gumawa ng aksyon. Free my body and thoughts from all these pain and emotions. Dun papasok ang pag-destress. Libangin ang sarili. Look for other diversions. Wag hayaan ang sariling malugmok sa mga di kanais-nais na emotions. Ang kailangan lang ay oras at ang willingness na libangin ang sarili. Di kailangan gumastos o lumayo pa. Ang mahalaga nag-enjoy ka at napawi mo ang mga kalungkutan. At ang matapos ang araw na masaya ka.

Defining the new Me.

Sa ngayon, di ko pa mahanap ang exact definition kung sino ako. Pilit lang ako sumasakay sa agos ng buhay. Ngunit di ko hinangad na mamuhay sa anino ng ibang tao. Lahat naman ng tao may sariling identity. Sariling uniqueness. Di ko kailangan na makilala at maging sikat. Ang importante may mga taong nakapalibot sa akin at patuloy na nagsusuporta at nagmamahal. Ang mahalaga nai-enjoy ko ang bawat minuto sa piling nila. Hindi ako perpekto para maghangad ng lahat para masabi kong kumpeto ang buhay ko. Walang ginawa ang Diyos na perpekto. Kung anuman ang wala ako sa ngayon, di ko yun kailangang gawing big deal. Mas mag-focus na lang sa kung ano ang meron ako sa kasalukuyan at kung paano ko pa ito mapagbubuti. 

Ang kaligayahan di mo masusukat. Dahil ikaw ang gumagawa ng kaligayahan mo. Di mo kailangan makipagkumpetensya sa iba, sa kung sino ang mas masaya at sino ang hindi. Hanggat maligaya ang pakiramdam ko, lingid man sa kaaalaman ng iba, ipagpapatuloy ko ito. Ako lang ang bukod tanging makapagsasabi kung ano ang makapagpapaligaya sa akin. Di ko masabi kung ano o sino, basta ng importante masaya ako.



Wednesday, June 29, 2011

Tinamaan Na Naman

Ang Facebook wall post ko: Reviving my passion: to write. to share. to express. to blog.


Tinamaan na naman ako ng katamaran the past few days. Pero I can justify naman and defend myself kung bakit ako sinumpong ng katamaran.


Una, masyadong stressful ang work ko. Di ako nakakauwi sa tamang oras. Tadtad ng backlogs. Pero hindi ako nagrereklamo about sa work ko (ibang usapan na yun!). I even find my work challenging. Umaandar ang tulog kong diwa.


Pangalawa, nasira ang pc ko. Masira na ang lahat, wag lang ang pc. Dahil feeling ko, nawala ako sa mundo. Adik na kung adik, pero I find internet a necessity these days. Mag-search, mag-like, mag-add, mag-follow.. lahat kaya mong gawin. You can be yourself or be someone else's character, no one will give a damn. 


Pangatlo, may pc man na available sa kiosk pero 48 years bago ka makakuha ng available slot. Syempre grab the chance na magbabad, wala namang na-set kung ilang minutes ka lang pwedeng mag-internet.


Pang-apat, dahil sira ang pc ko, I find mobile web useful. Pero later ko na lang na-realize, yari na naman ako sa bill ko. Maya't-maya ba naman. Masilip lang kung may nag-comment o nag-like. Syempre, malabo ko namang ma-access ang blogger sa phone ko. 


Pang-lima, weekends na nga lang ang pahinga, nasa galaan pa. Lakad with friends, family o kahit ako lang. Punta sa mall, mag-gym o mag-window shopping, solve na ko. Hirap nga lang pigilan ang sarili na di mapagastos.


Pang-anim, masyadong pre-occupied ang subconscious mind ko ng mga samu't-saring daydreams. Iniisip ang mga sangkatutak na "what if's", inilalarawan sa isipan ang mga iba't-ibang eksena na feeling ko sa pangarap lang maaaring maisakatuparan.


Pangpito, dahil sa bagyong Falcon, ang sarap humilata sa kama, yakapin ang mga unan at stuffed toys at balutin ang sarili ng kumot. Tapos, mag-daydream ulit.. hihihi..


At panghuli, patawarin nyo ako, subalit wala akong makuhang magandang ideya para i-blog. Wala ako sa wisyo. Masyadong busy-busyhan. Ayoko naman mag-blog lang dahil kailangan. Para magpa-impress. Para masabing lagi akong may post. At ayokong pinipilit ang sarili ko.


Ngayon, nasa mood ako for blogging. Lalo na at pinuno ng mga emo songs ang pandinig ko. Start na. :) 



Saturday, January 1, 2011

01.01.2011

Unang araw ng 2011.

Unang blog ko for 2011.



Kahapon, isiniwalat ko ang aking mga best at worst moments for 2010. Dami din pala nangyari sa buhay ko! Ang dami kong nai-share na tawa at luha, problema at blessings. Ang ending? Masaya ako..

Masaya ako dahil na-realize ko na matapang pala ako. Nagawa kong harapin at tawirin ang mga pagsubok ng 2010. Ngayon, 2011 na. Malamang may mga bagong set ulit ng pagsubok ang pagdadaanan ko. At matapang ko silang haharapin.

Alam kong madami ang nagmamahal sa akin. Nandyan ang family ko. Ang mga friends ko. Di nila ako pababayaan. Di nila ako iiwan. Di tulad ni... :p

Sa unang araw ng taon, ayoko muna isipin ang tungkol sa love life. Pero sa kapipilit kong wag isipin, lalo ko naman naiisip. Naiisip na naman sya. May konting asa pa pero titigil yun. Alam ko naman na wala ng patutunguhan ung inaasam ko. Sabi ng konsensya ko, " Tama na Angel. Stop HURTING yourself. Madami pang magmamahal sa 'yo. Makontento ka muna sa mga taong nagmamahal sa 'yo ngayon. Di man nila kayang ibigay ang kaligayahan na naibigay nya sa 'yo, pero sila di ka nila kailan iiwan at pababayaan. "

Pak! Ang saklap marinig. Totoo kasi.

Sa susunod nga, di ko na kakausapin 'tong konsensya ko.. Daig pa nanay ko kung manermon! Pero may point sya ha..

So, anong dapat kong unang isipin sa unang araw ng taon? Maliban sa lovelife, andyan pa ang career, health, finances, religion, height & weight, interest, hobbies, etc.. Hay, nakakabobo ha..

Wala muna. Wag muna mag-isip. Ayokong ma-pressure sa unang araw ng taon na 'to. Baka buong taon ako ma-pressure!

Basta gusto ko lang maging masaya. Hangga't maaari, no more room for sadness or any negative emotions. Imbibe all positive elements. Sabi nga ni bff, pag feeling ko masaya ako, jump for joy! Hala, e di kung masaya ako buong araw, ibig sabihin buong araw din akong magtatatalon? Ahaha..

For this year, all I want is just to be happy. Be the same old me or better, an updated version of me.. Think of happy thoughts then the rest will follow.

I'll make sure I always carry a smile on my face, kahit mas madali sumimangot kesa ngumiti (totoo di ba?) Gusto ko maiba naman ang first impression sa akin ng mga tao. Lagi nilang sinasabi, snobbish daw ako, mataray, hirap i-approach. Akala lang nila yun. Madaming namamatay sa akala. Hmp!

Pag nagawa ko ng masaya ang buhay ko, madali ko ng maaayos ang mga priorities ko sa buhay. Lahat na, kasama na love life.. At tuluyan ng sasaya ng buhay ko! Yey..


Blog Post

galatrip friends love food life labtrip gastronomic adventure blog cebu bohol travel fall in love mary dinkle roadtrip work foods maxhorowitz miss shinchan budget foodtrip friend hate intramuros keychain macky trip valentines 2011 Marq beach blogger chat events family goodbye happiness happy hurt movie puso song vacay work-life balance write 2010 2012 araneta atimonan bdj belled de jour power planner ber months bestfriend bonding camping casa manila chance christmas circle concert dampa december dragons drink emo followed fun gifts inasal la mesa ecopark leave lucban miyaka moa money new year november occassion pain park philippine blogging summit planner prizes quezon restaurant rodics sand sto nino sunken garden superbowl tagaytay thoughts water zipline 143 3 months Atom Araullo Bayukbok Cave Big 4 Blackbeard's Seafood Island CnT Eton Centris Fuente Osmena Lapu-Lapu Larsian LetGo Mactan Shrine Mt.Manalmon NES94 PDI Plant with Me Sidcor UP college of law acceptance ademar admire affected airport alicia keys amnesia girl ana santos animals antok apple asap assume attention avatar azkals baby back ribs back baclayon church balance banchetto barbeque basketball batangas beer best best i ever had bff bilar bills binangonan binondo birds birthday bjd black swan bloggersfest blood compact bolo boodle feast booster bora buffet buhay busy care carla casa verde caving celfone cheat chinchan chinese chocolate hills chocolates chowbiz chupers church city hall. quezon climb clue comfy confident conti's countryside credit card crosswinds resort crown regency crush cuenca cute cutest cutest newsman dagat daing dan hill daranak falls dd1 dd2 dd3 dd4 dear diary dearest delicacies dependency diamond disappoint dont forget dots dq dried mango dunk eat edward cullen embarrass eraserheads expect expenses extra face faceurmanga facial failure falls fan fashion fear fee ferry finale fireworks first football fort santiago fruits furniture game georgetown gone goods gulp guy handicraft hanging puso happy new year hearts day hike hold head up high holidays hope hot air balloon iblog7 iblog8 insectyora inspiration inspired ipod itouch itunes iyak janet's january jayj's journalist jump shots kamay ni hesus kapamilya karnibal killer krispy kreme kung hei fat choi labor day laguna las pinas bamboo organ lechon cebu leo let go lets face it letter letting go liebster award like lil sis live loboc river cruise longganisa loss lovelife lss magellans cross mahal majayjay malcolm hall mami g man-made forest mang inasal manila cathedral marikina marina marriage masochism masokista maxs may 1 meat miaka monday mood swings motor mots mountain move on mt. maculot music myself nba newsman ninoy aquino parks and wildlife no strings attached nuffnang ocean jet october opm optical illusion pahiyas palawan pamper pandayan panglao island parade party pasalubong pasig ferry ride pasko passion patience perya pet photography pictures pier one planes pop icon post power premises prestige prick promise prony pudtrip puerto galera purchasing power pyrolympics python qcmc rappel rappelling red reformatted relationship relo remember rendezvous reporter reunion rio movie riverbanks rockies rocks ropes roses salcedo park sampaguita suites sapul sbbs senses september sessionista sexandsensibilities shades share sharlene ship haus single sipatan hanging bridge sizzling pepper steak skywalk slumbook smoke smp smx something fishy sorry spelunking stalagmites starbucks starving stephen bishop stress sweet tooth swim tago tagultol tanay tapa tarsier tramway tricia gosingtian triciawillgoplaces tulog tweet twilight twitter up vampire vegetables video walled city warren weekend weekend market welcome white hat witty will save the world worst ym you to me are everything