Friday, February 11, 2011

I Love You Boy




Oh what a night!

'Di ako makatulog

Parang tukso tanging
Laman ng isip
Wala kundi ikaw

Bakit ganto?
I can't get over you
Kahit sarili ko'y ayaw
Maniwala
Sa nangyayaring ito...
Oooooh!

I love you, boy
If you only knew
Naiinis na ako sa iyo
Sobrang manhid ka
At 'di mo napapansin

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay

My foolish heart
Ikaw ang may
Kasalanan
Kung ikaw ba'y
Tumahimik na lamang
Ako'y 'di naguguluhan

Oh sayang lang
If I could be your
Right woman
Sana'y noon pa ma'y
Aking nasabing
Ikaw ay aking mahal

I love you, boy
If you only knew
Naiinis na ako sa iyo
Sobrang manhid ka
At 'di mo napapansin

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay

I'm head over heels, babe
I love you so much
I'm going crazy

I love you, boy
Kung alam mo lang
Ang puso ko ay
Nagdaramdam
Hanggang kailan ba
Ako ay maghihintay


Keychain ♥

Nasobrahan na naman ako sa inspirasyon ngayong araw na ito. Halos habulin ko na ang hininga ko sa sobrang kilig na aking nadarama. Halos himatayin ako sa mga di inaasahang eksenang naganap sa pagitan namin ni Keychain.

Para sa mga di pa nakakaalam, Keychain ang alias na binigay ko sa crush ko.. Wala lang.. Cute lang ng dating. You're my keychain and I'm your key.. woot!

Let me share bakit ako sobrang inspired ngayon. Kanina pa ako kating-kati at di ko mapigilan ang sarili na i-share sa inyo ang isa sa mga kilig moments ng buhay ko. Iisipin nyong napaka-payak ng pangyayari pero para sa mga inspiradong tulad ko, isang malaking break ito!

Eto na..

Kailan ko lang naging crush si Keychain. Dati rati, di ko sya gaano pansin. Isa lang sa mga nagkalat na tao sa opisina namin. Then, napapansin ko medyo napapadalas ang daan nya sa area namin. Medyo may koneksyon ang aming mga trabaho. Dati, intimidated ako sa kanya. Pero mabait naman pala base sa mga naririnig ko sa mga kaibigan nya. Masayahin syang tao. Walang moment na nakita ko syang nakasimangot. Laging all smiles. At dahil chinito sya, ayan na, di na makita ang mga mata pag ngumingiti. Eh, yun pa naman ang weakness ng inyong abang lingkod. Chinito.

Ewan ko ba kung sinasadya nyang ngumiti lagi kahit saan sya mapunta. Parang ang saya-saya nya lagi. Kapag nakakasalubong ko sya, dahil sa mahiyain ako, isang tipid na ngiti lang ang kaya kong ibigay. At dahil nga sa crush ko sya, naku, hindi ko matitigan ng pangmatagalan. Sayang noh! Pagkakataon na eh..

May mga common friends kami at sa kanila ko sya nakikilala ng lubos. Napaka-private daw kasi nyang tao. Ni walang facebook account, ano ba yun! Pero ang pinaka-sad na narinig ko about him is that he's taken na daw. May gf. Which means, di pwede. Hanggang asa na lang. Pero may bulong-bulungan na medyo nagkakamalabuan na daw sila. Dapat ba ako magbunyi? So mean ko naman.. Pero may konting ngiting sumilay sa akingmga labi nung marinig ko yun.

Ngunit kahit medyo malapit na sya sa stage ng pagiging single, gaano naman ako kasigurado na mapapansin na nya ako? Maraming kakumpetensya, pakiramdam ko eh.. So hanggang tingin na naman ako..

Sabi ko sa sarili ko, wag ka umasa Angel.. Hangaan mo na lang sya. Hanggang dun na lang. Wag ng ipilit ang bagay na di pwede. Pasalamat na lang ako sa pagdating nya sa buhay ko at muli akong na-inspire. Nagkaron ulit ng kulay ang payak kong buhay. Nagkaron ako ng dahilan na bigyan ng oras ang sarili ko sa pagpapaganda at na-motivate akong mag-work sa pag-asang makita sya every shift. Nakatulong sya ng malaki sa pagkatao ko kahit malabong maging kami.

Pero para sa isang hopeless romantic na katulad ko, may konting asa factor pa. The more na napapansin nya ako, the more naggro-grow ang pag-asa! Katulad kanina, di nya lang ako binati at nginitian, sinambit nya pa ang aking pangalan. AN.GE.LI.CA. Syllable by syllable nyang binigkas. Sabay tingin sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Natitigan ko sya ng matagal-tagal. At tumatak yun sa isipan ko.

Sa sobrang kilig, halos nalamog na yung braso ng friend ko kakayugyog ko sa kanya. Di maipinta sa kasiyahan ang ngiti ko. Mula paglabas sa building hanggang sa pagsakay sa bus, sya at ang moments namin ang pilit na rumerehistro sa isipan ko. Kahit anong pilit kong matulog at ipahinga ang pagod na katawan, di ko magawa. Parang adik lang. High na high sa kilig!

Hanggang sa ibaling ko na lang sa blog itong nararamdaman ko. Gusto ko din ibahagi sa inyo eh. Para kiligin din kayo..hihi..

Kung anuman ang namamagitan at mamagitan sa amin ni Keychain, bahala na si batman. Kung di kami for each other, thank you na lang sa kanya dahil pinasaya nya ako. Pero kung maging kami (fingers crossed!), eh di bonggacious! Papa-inom pa ako ng Tanduay Ice..

4 comments:

  1. crush pa lang yan ha.. kilig much ang ateng hehehehe... wat if nanligaw na.. shake shake na yan.. at pagkatapos ngign kayo na.. eh di boom boom shake shake na yan.. o wag na isama ang drop.. hehehe :)

    gandang araw po s inyo..

    ReplyDelete
  2. Korek ka jan kuyang! Crush pa lang.. Kulang na lang himatayin ako sa kilig! Naku, sana naway magdilang anghel ka na maging kami at magsha-shake talaga ako ng bonggang bongga.. :)

    ReplyDelete
  3. Nyahahahah... dati may friend ako na may boyfriend pero may iba pa ding crush..badtrip ako sa kanya (sa friend ko kase may bf na siya may crush pa din) di ko alam na magkakaganun din pala ako.

    Hahahah.. pero alam ng bf ko na may crush ako. Super honest ako..nyahahahah... may point pa nga na kasali sa battle of the band yung crush ko..todo hiyaw ako.. at yung bf ko nasa likod lang.. hanep din si boypren.. nyahahah..

    pero kilig much nga..at bitter din ako kapag nagkaka-jowa mga crush ko.. nyahahahaha..di ko alam..di ko mapigilan..hahahah

    ReplyDelete
  4. korek ka jan.. nung may jowa pa ako, nagkaka-crush pa din ako at pinapaalam ko din sa kanya. dedma lang naman.. hehe..

    pero sa kasalukuyan, ako'y malayang-malaya.. walang magbabawal, walang magagalit.. kaya todo ang pagka-crush ko sa kanya.. pero yung crush ko hindi pa malaya.. ayoko naman i-wish na magbreak sila, baka makarma ako! bahala na si batman kung may aabangan pa sa aming love story!

    ReplyDelete

Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!

Blog Post

galatrip friends love food life labtrip gastronomic adventure blog cebu bohol travel fall in love mary dinkle roadtrip work foods maxhorowitz miss shinchan budget foodtrip friend hate intramuros keychain macky trip valentines 2011 Marq beach blogger chat events family goodbye happiness happy hurt movie puso song vacay work-life balance write 2010 2012 araneta atimonan bdj belled de jour power planner ber months bestfriend bonding camping casa manila chance christmas circle concert dampa december dragons drink emo followed fun gifts inasal la mesa ecopark leave lucban miyaka moa money new year november occassion pain park philippine blogging summit planner prizes quezon restaurant rodics sand sto nino sunken garden superbowl tagaytay thoughts water zipline 143 3 months Atom Araullo Bayukbok Cave Big 4 Blackbeard's Seafood Island CnT Eton Centris Fuente Osmena Lapu-Lapu Larsian LetGo Mactan Shrine Mt.Manalmon NES94 PDI Plant with Me Sidcor UP college of law acceptance ademar admire affected airport alicia keys amnesia girl ana santos animals antok apple asap assume attention avatar azkals baby back ribs back baclayon church balance banchetto barbeque basketball batangas beer best best i ever had bff bilar bills binangonan binondo birds birthday bjd black swan bloggersfest blood compact bolo boodle feast booster bora buffet buhay busy care carla casa verde caving celfone cheat chinchan chinese chocolate hills chocolates chowbiz chupers church city hall. quezon climb clue comfy confident conti's countryside credit card crosswinds resort crown regency crush cuenca cute cutest cutest newsman dagat daing dan hill daranak falls dd1 dd2 dd3 dd4 dear diary dearest delicacies dependency diamond disappoint dont forget dots dq dried mango dunk eat edward cullen embarrass eraserheads expect expenses extra face faceurmanga facial failure falls fan fashion fear fee ferry finale fireworks first football fort santiago fruits furniture game georgetown gone goods gulp guy handicraft hanging puso happy new year hearts day hike hold head up high holidays hope hot air balloon iblog7 iblog8 insectyora inspiration inspired ipod itouch itunes iyak janet's january jayj's journalist jump shots kamay ni hesus kapamilya karnibal killer krispy kreme kung hei fat choi labor day laguna las pinas bamboo organ lechon cebu leo let go lets face it letter letting go liebster award like lil sis live loboc river cruise longganisa loss lovelife lss magellans cross mahal majayjay malcolm hall mami g man-made forest mang inasal manila cathedral marikina marina marriage masochism masokista maxs may 1 meat miaka monday mood swings motor mots mountain move on mt. maculot music myself nba newsman ninoy aquino parks and wildlife no strings attached nuffnang ocean jet october opm optical illusion pahiyas palawan pamper pandayan panglao island parade party pasalubong pasig ferry ride pasko passion patience perya pet photography pictures pier one planes pop icon post power premises prestige prick promise prony pudtrip puerto galera purchasing power pyrolympics python qcmc rappel rappelling red reformatted relationship relo remember rendezvous reporter reunion rio movie riverbanks rockies rocks ropes roses salcedo park sampaguita suites sapul sbbs senses september sessionista sexandsensibilities shades share sharlene ship haus single sipatan hanging bridge sizzling pepper steak skywalk slumbook smoke smp smx something fishy sorry spelunking stalagmites starbucks starving stephen bishop stress sweet tooth swim tago tagultol tanay tapa tarsier tramway tricia gosingtian triciawillgoplaces tulog tweet twilight twitter up vampire vegetables video walled city warren weekend weekend market welcome white hat witty will save the world worst ym you to me are everything