Sabi ko nga, I may have tons of reasons not to leave but only one can make me stay..
Ano yun? Sino yun? Sa mga nakakaalala pa, muli kong ibinabalik si Keychain.. Muli na naman nyang ginulo ang payapa kong buhay. Binuhay na naman nya ang pag-asa kong matapunan na naman nya ako ng tingin at ngiti. Maayos na sana ang lahat. Banayad na akong nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Naiayos ko na sa tamang lugar at naibilin ang mga trabahong maari kong maiwan sa aking pag-alis.
Di na sya muling sumaglit sa isipan ko noon. Dahil siguro di ko na sya gaanong nasisilayan o nasasalubong man lang sa hallway. Pero mananatili pa rin ang alaala nya sa aking isipan. Not until nitong mga nakaraang araw na muli ko na naman syang napagkikita. Unti-unting nasisilayan ang kanyang mga ngiti at mga matang sa wari mo'y nangungusap.
Sadya bang lumalalim ang bokabularyo ng isang tao kapag in love..?? Pakiwari ko.. :p
Tanong ng mga kaibigan ko, paano kung mag-iba ang ihip ng hangin at bigla ka nyang tapunan ng pansin? Paano kung sya mismo ang hihiling na wag ka ng umalis at manatili na lang dito? Kapalit ay ang pagbibigay nya sa akin ng oras at, malay natin, pag-ibig.. (Ay, ang layo na ng narating ng imahinasyon ko..)
Bigla akong nagdalawang isip. Oo nga no.. Paano nga kung maglakas loob syang gawin yun? Ang pigilan ang aking paglisan, kapalit ang makasama sya ng pangmatagalan. Ay, kay tamis! Ewan ko. Ang hirap magdesisyon. Pera at karera laban sa tawag ng pag-ibig.. Aww...
Pero pilit nilalabanan ng isipan ko ang kaisipang iyon. Malabo yun mangyari. At nalalapit na ang paglisan ko. Kakapusin ng araw. At ayokong umasa, malamang sa wala! Di makatarungan na sya lamang ang tangi kong dahilan para manatili ako. Di makatarungan para sa mga ibang taong nagmamahal sa akin.
Nagpapasalamat na lang ako na kahit sa mumunting paraan, napaligaya nya ako, sa pamamagitan ng kanyang mga ngiti at tingin sa tuwing kami'y nagkakasalubong. Salamat at binigyan nya ako ng rason na manatili ng humigit kumulang apat na taon at rason na wag pumalya sa pagpasok sa trabaho, sa pagbabakasakaling makadaumpalad sya. Salamat sa mga ngiting itinanim nya sa aking mga labi, sa mga kilig na aking naramdaman, sa mga pagbabagong nangyari sa aking katauhan.
Sa kanya ko iniaalay ang mga oras na ako'y laging naghahanda sa aming pagkikita, sa mga oras na aking ginugugol sa pagaayos para mapansin nya ang aking kariktan, at sa mga oras na ginagawa kong produktibo ang sarili ko para maipagmalaki nya ako.
Hiling ko na manatili syang masaya. Lagi pa rin ngingiti ng bonggang-bongga, yung labas ang mga dimples at di na makita ang mga mata. Maging mas produktibo sana sya sa larangan na tinatahak nya at maging matagumpay. Sana, kahit ako'y wala na at di na kailan man makikita, maalala nya na may isang Angel na nag-exist sa buhay nya, na nakilala nya at nakatrabaho.
I still wanna make you make me stay but it's better I'd say goodbye. Goodbye not because it is the end of everything for us because I am still gonna look forward for our paths to cross again. You will always have a special place in my heart. You've helped become a better person. Helped me appreciate the goodness of others. Helped me become motivated and inspired. Goodbye simply because I would no longer feel and see your presence. That's just it. You will still be my keychain.
Thank you Keychain. I owe u lot.
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!