By definition:
A keychain is a small chain, usually made from metal or plastic, that connects a small item to a keyring.
si keychain ko |
My own definition:
A keychain refers to someone I've wanted/needed/adored for so long, that I'd want that person be tagged forever by my side. Kumbaga, walang alisan. Sa akin lang.
Paano ko nga ba naisipan gamitin yung word na keychain at i-associate ito to another person?
Kasi yung keychain sa akin lang yun. Pag-aari ko. Di makukuha sa akin. Identified na sya sa akin. Lagi ko sya hawak. Sya ang responsable sa safety ng mga susi ko. Sama-samang mga susi na napakahalaga sa akin. Susi sa bahay, sa cabinet, sa opisina. Ang keychain lang ang natatanging may karapatan na hawakan sila.
At ang koneksyon?
Keychain ang itatawag ko sa special someone ko. At katulad ng keychain, sa kanya ko ihahabilin lahat ng importanteng bagay sa buhay ko. Mga tinatagong sikreto at pangarap sa buhay. At gusto ko sya kasama lagi. Hindi sya kailan man mawawalay sa paningin ko. At hinding-hindi ko kailan man iiwan lalo na kung saan-saan lang. Paka-iingatan ko sya.
Di ba kahit kailan di natin nagawang kalimutan na hindi dalhin ang mga keychain natin?
Ano na lang ang mangyayari sa akin pag nakalimutan ko ang keychain na laman ang mga susi? Nakakabaliw di ba? Iisipin ko kung saan na-misplace, babalikan yung lugar na napuntahan. Pero paano pag di ko na nakita? Yari na. Sadyang pabaya ba ako o makakalimutin lang? Kung matalas ang memorya, posible pang makita. Pero kung walang tyaga, wag na umasa pa. Ang ending, di makakapasok sa bahay, di mabubuksan ang cabinet, di makakapasok sa office. Sira ang buhay.
Parang sa pag-ibig, sa sobrang kapabayaan sa minamahal, di ko namamalayan na nawala na pala. Kung mahal ko at importante sa akin yung tao, anuman ang mangyari, hahanapin ko siya. Kahit saan pa ako makarating. Hindi dahil sa alam nya ang lahat sa akin, kundi paano ko pa mabubuo ang mga pangarap ko na hindi na siya kasama? Maaaring sa sobrang kaabalahan ko, nakalimutan ko na pala ang mga pangangailangan nya. Kaya tuluyan na akong iniwan at di na kailan man makikita.
At hindi tayo basta-basta nagmamay-ari ng keychain. May mga preferences tayo kung anong keychain ang gusto natin. May iba ang gusto bakal na keychain, yung iba plastic. May gusto heart, yung iba stars. Sa mga lalaki, gusto nila keychain na may koneksyon sa sasakyan. Sa mga babae, keychains na may koneksyon sa pag-ibig o pagpapaganda.
Katulad sa pag-ibig at sa pagpili ng mamahalin. Di naman tayo basta-basta pipili ng kung sino lang para maging boyfriend o girlfriend natin. May preferences tayo di ba? May gusto ng moreno, yung iba mestiso. May gusto ng may pagka-brusko, yung iba yung reserve-type.
Kaya ako, pag nagka-keychain ako, este, nagka-lovelife ulit, gusto ko yung swak sa preference ko, hindi yung sapilitan na ginusto. Ituturing ko rin syang parang keychain. Hindi para gawing sabitan ng mga importanteng susi ko sa buhay. Kundi iingatan ko sya kasabay ng pag-iingat nya sa mga pangarap at sikreto ko. Sabay naming iingatan ito hanggang maisakatuparan namin pareho. At di ko hahayaan na mawalay sa akin ang keychain ko.
Naisip ko, maganda ring term of endearment ang salitang keychain di ba? :)
Key chains and Keyrings are useful and versatile item. You can be used for appreciation gifts to school students, customers. It is also very cost effective promotional products.
ReplyDelete