To know more of Bohol's Chocolate Hills, click here.
__________________________________
Habang nagbabyahe kami at papunta sa Chocolate Hills, nagpa-contest si kuya Ondoy. Hulaan daw namin ang buong bilang ng Chocolate Hills. Ang makasagot ng tama, may premyo. At dahil madadaya kami, ni-google namin sya. At tumpak ang aming kasagutan! Ang aming premyo, masasarap na siopao Bohol!
Dagdag kaalaman, may 2 bersyon ng istorya meron ang Chocolate Hills.
Una, ang kwentong bayan na may isang higanteng ang pangalan ay Arugu na nagkagusto sa isang Amasona na ang pangalan ay Araya. Sa sobrang pagkabighani ni Arugu kay Araya, kinidnap nya ito at ikinulong sa kweba. Dala ng sobrang pagkagutom, namatay si Araya. Nadatnan sya ni Arugu na patay na. Dala ng pagdadalamhati, umiyak si Arugu. At sa pagpatak ng kanyang mga luha, naging hills ito. Tanda ng pagmamahal nya kay Araya. Tapos.
Na-inlab ka ba sa lab story nila?
Bakit naman kasi nya pinabayaan si Araya sa kweba ng mag-isa at wala pang makain?
Sayang.. Pero kung di nangyari yun, eh di wala sanang chocolate hills.. haha..
Ikalawang bersyon, ito ang scientific explanation.
Ang probinsya ng Bohol daw ay lubog sa tubig alat (sea water). Dahil sa mga volcanic eruption at tectonic movements, gumalaw at lumutang ang mga lupa. Ang mga hills ay binubuo ng coral stones at limestone formations. Ang lupa ay maalat kaya walang tumutubong halaman dito, maliban sa damo.
Astig di ba?
At alam nyo ba na ang ibang hills dun ay privately owned na? di makatarungan yan!
Payo lang sa mga gustong umakyat sa view deck, magpractice na kayo umakyat ng 214 steps. Yung view deck ay isa lang sa mga hills ng Chocolate hills at sya ang pinakamataas na hill. Yabang no!
Kung gusto nyo ng jumpshot tulad nito:
Meron talagang photographer na ang expertise ay jump shots. May kamahalan ang presyo, 4R 100 pesos, wallet size 50 pesos (di makatarungan pero negosyo yan eh!). Pero the best sya kumuha. I can't believe nakatalon ako ng ganito kataas. Pero nakakatakot tumalon ha, kasi walang harang yung likuran nyan, bangin ang bagsak mo!
waaaah instant history sa chocolate hill.. like it! pero ang tanga ni aragu... tanga.. hahahaha pero may scientific explanation naman pala..at bakit may nagmamay-ari nung ibang hill? nu ba yan.... at hiindi ko alam na medjo may kataasan pala ang hill..sa picture kase ang liit nila..lol.. feeling ko pwede ako tumungtong..parang nuno sa punso
ReplyDeletewow ang ganda ng chocolate hills.. i wanna go there someday :D
ReplyDeleteKamila: di nga ako nainlab sa labstory nila.. syonga kasi si aragu.. tama ka, akala natin maliliit itong mga hills pero malalaki sila.. ang nakaka-amaze pa, diit-dikit sila pero di nagkakauntugan!
ReplyDeleteAxl: punta na! :)