Unang araw ng 2011.
Unang blog ko for 2011.
Kahapon, isiniwalat ko ang aking mga best at worst moments for 2010. Dami din pala nangyari sa buhay ko! Ang dami kong nai-share na tawa at luha, problema at blessings. Ang ending? Masaya ako..
Masaya ako dahil na-realize ko na matapang pala ako. Nagawa kong harapin at tawirin ang mga pagsubok ng 2010. Ngayon, 2011 na. Malamang may mga bagong set ulit ng pagsubok ang pagdadaanan ko. At matapang ko silang haharapin.
Alam kong madami ang nagmamahal sa akin. Nandyan ang family ko. Ang mga friends ko. Di nila ako pababayaan. Di nila ako iiwan. Di tulad ni... :p
Sa unang araw ng taon, ayoko muna isipin ang tungkol sa love life. Pero sa kapipilit kong wag isipin, lalo ko naman naiisip. Naiisip na naman sya. May konting asa pa pero titigil yun. Alam ko naman na wala ng patutunguhan ung inaasam ko. Sabi ng konsensya ko, " Tama na Angel. Stop HURTING yourself. Madami pang magmamahal sa 'yo. Makontento ka muna sa mga taong nagmamahal sa 'yo ngayon. Di man nila kayang ibigay ang kaligayahan na naibigay nya sa 'yo, pero sila di ka nila kailan iiwan at pababayaan. "
Pak! Ang saklap marinig. Totoo kasi.
Sa susunod nga, di ko na kakausapin 'tong konsensya ko.. Daig pa nanay ko kung manermon! Pero may point sya ha..
So, anong dapat kong unang isipin sa unang araw ng taon? Maliban sa lovelife, andyan pa ang career, health, finances, religion, height & weight, interest, hobbies, etc.. Hay, nakakabobo ha..
Wala muna. Wag muna mag-isip. Ayokong ma-pressure sa unang araw ng taon na 'to. Baka buong taon ako ma-pressure!
Basta gusto ko lang maging masaya. Hangga't maaari, no more room for sadness or any negative emotions. Imbibe all positive elements. Sabi nga ni bff, pag feeling ko masaya ako, jump for joy! Hala, e di kung masaya ako buong araw, ibig sabihin buong araw din akong magtatatalon? Ahaha..
For this year, all I want is just to be happy. Be the same old me or better, an updated version of me.. Think of happy thoughts then the rest will follow.
I'll make sure I always carry a smile on my face, kahit mas madali sumimangot kesa ngumiti (totoo di ba?) Gusto ko maiba naman ang first impression sa akin ng mga tao. Lagi nilang sinasabi, snobbish daw ako, mataray, hirap i-approach. Akala lang nila yun. Madaming namamatay sa akala. Hmp!
Pag nagawa ko ng masaya ang buhay ko, madali ko ng maaayos ang mga priorities ko sa buhay. Lahat na, kasama na love life.. At tuluyan ng sasaya ng buhay ko! Yey..
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!