Makulay talaga ang buhay.. :)
Unang bisita ko sa Kapistahan ni San Isidro Labrador, or popularly known as the Pahiyas festival, sa bayan ng Lucban, Quezon. Isa itong pagbibigay-pugay at pasasalamat ng mga Lucbanin kay San Isidro dahil sa masaganang ani. At para mas highlighted ang kanilang pasasalamat, naisip nila i-decorate ang mga inaning prutas at gulay sa harapan ng kanilang mag bahay, na mas lalong nagbigay buhay sa pagdiriwang ng pyesta. Idagdag pa dyan ang mga palamuting tinatawag na kiping, na gawa sa pinulbos na bigas.
Sa pamamagitan ng mga dekorasyong prutas at gulay, nakilala ang mga Lucbanin for being creative. Ginawa itong isang competition na mas lalo nilang ikina-engganyo. Mas maraming dekorasyon, mas makulay ang bahay, mas malaki ang chance na manalo.
Sa mga excited na tulad ko, minabuti naming umalis ng Manila ng madaling araw. Sakay ng bus na papuntang Lucena at jeep na byaheng Lucban. Dahil sa anticipated ng maraming darating na makiki-pyesta, hindi na pinapatuloy ang mga malalaking sasakyan sa kabayanan ng Lucban. Maaari ka na lang magtricycle o kung gusto mong mamalas ng husto ang paligid, walkathon na lang with friends.
naka-uniform kami at ang nakalagay: Tropang Quezon loved Pahiyas! |
Sa dami ng mga bahay na tadtad ng palamuti, nangawit ang leeg ko sa kakatingin at kakapa-picture. Sa sobrang dami ng taong dumalo, siksikan ang mga kalye, naglipana ang mga SLR, nagkalat ang mga foreigners at posible kayong magkawalaan.
Gutom ang aming inabot pagkaraan ng mahaba-habang lakaran, kaya sinubukan namin ang famous na pansit habhab. Masarap sanang humirit pa ng isa pero dusa naman sa pagkain. Bawal ang kutsara't tinidor. Nasa paghabhab ang thrill ng pagkain ng pamosong pansit. Di ko pinalampas na di makabili ng mga souvenir items tulad ng keychains, shirts at ref magnet na korteng bahay, simbahan at longganisa. Syempre, di ko rin pinalampas na di makabili ng Lucban longganisa.
Nabilad man ako sa arawan, sumakit man ang paa ko sa paglalakad, nagutom man kami ng bonggang-bongga, nainggit sa mga naglalakihang SLR, natulala sa mga foreigners, naubusan ng pera sa pagbili ng mga pasalubong, nanakit ang ulo kakatingala at naka-sight ng mga cuties, na-enjoy namin ng husto ang pyesta.
ok lang yun , sarap kaya maglakwatsa at kumain ng kumain, teka bigla ako nag crave ng longganisa
ReplyDelete