Para sa Keychain ko..
Ngayong nalalapit na ang araw ng mga puso, hayaan nyo akong ibahagi ang nilalaman ng puso ko. Ang mag-emo. Ang maglahad ng damdamin sa isang minamahal.
Gusto kong sabihin sa inyo at sa buong mundo na ako ay inspirado. Masarap pala talagang ma-inspired. Yung pakiramdam na halos hatakin mo ang oras at araw para lang masilayan sya. Kahit isang simpleng ngiti lang o magkatagpo ang mga mata nyo o isang "Hi!" na mamutawi sa kanyang labi. Sapat na yun para mabuo ang araw ko. At maghapon na yung magdadala ng kilig at kiliti sa buong pagkatao ko!
Napansin ko, pag inspired ang isang tao, may mga pagbabago. Una, ang ngiti abot hanggang langit. Halos mapunit na ang panga sa pagngiti. Kahit tapos na yung pangyayari, kahit wala na sya sa paningin mo, ang ngiti di matanggal-tanggal. Kayang patagalin ang ngiti sa mga labi kahit maghapon. Parang lukaret lang di ba? Tapos gustong-gusto mong i-share agad sa mga friends na nakita mo sya o nakatitigan kahit ilang segundo lang. At wala kang pakialam kahit paulit-ulit mo sya ikwento at suya na sa iyo ang mga kaibigan mo.. Basta masaya ka. Yun lang ang importante.
Pangalawa, nagiging conscious sa itsura. Kahit alam mong hanggang sulyap ka lang at di kailan man matapunan ng pansin, okay lang. Malay mo, sa mga susunod na araw bigla ka na lang nya mapansin, lapitan at sabihan ng " You look different today. You look gorgeous.. " Awwts.. Pa-impress to the max ang game mo.
Pangatlo, you're always looking forward sa mga araw na makikita mo sya. Kung dati, halos hatakin mo ang weekdays para matapos na at dumating na ang weekends. Ngayon, kahit wag ka mag-restday at kahit weekends gusto mong pumasok para lang makita sya. Dati, halos pa-resign ka na kasi feeling mo wala ng nangyayari sa career. Ngayon, kahit basic pay lang at walang growth sa career, keri lang, andyan naman sya eh. Sabay maiisip mo, kaya bang tapatan ng malaking sweldo at position ang kaligayahang dinudulot ng inspirasyon mo..?? Ahh, teka, isip muna ako ha.. lol!
Pang-apat, sa sobrang inspired, you can't help but to daydream.. Lahat kasi pwede mangyari sa daydream. You two can be in a relationship up to the point na kayo na talaga, sharing your life together, spending time with your kids.. Ang layo na ng narating di ba? Pero ang sarap mag-daydream.. Sino ang kokontra?
Pang-lima, naniniwala ka na sa mga lovescope, horoscope, love forecast.. Sa pag-asang baka maganda ang basa ng kapalaran sa iyo..
Hay.. sarap ng feeling na ma-in love. Pero mas masarap yung feeling na sana love ka na din nung love mo. Para happy together na ang ending.
Pero kahit medyo malabo mangyari yun, wag mawalan ng pag-asa, keep on loving and get inspired. Di man kayang suklian yun ng pinapangarap mo, malay mo, may ibang nilalang pa pala na nakaka-appreciate ng mga pagbabago sa iyo at ginagawa mo. And maybe, just maybe, he's the One na pala..
uyyy..kilala kita.. ikaw yung friend ni chino! di ba? hahah lagi ka niya nababanggit kase sa mga road trip niyo..sa blog niya.. weeeehh!!
ReplyDeleteSayang nga di ka nakaabot.. pero super relate naman ako dito sa post mo.. hehehe.. dati sa highschool..kapag may crush..hahaha :) Salamat sa pagdalaw.. in-add na din kita!! :)
korek ka dyan kamila! bff kami ni chino.. :)
ReplyDeletenaku, sana magpa-contest ka ulit, sure na sure na sasali ako. yey!
salamat at naka-relate ka sa post ko! madami pa akong usaping pag-ibig na ilalathala.