Buwan ng mga Puso |
Bakit ba sa tuwing darating ang month of February:
- Iisang hugis ang pumapasok sa ating mga isipan, ang hugis PUSO..
- Iisang kulay ang naaaninag, ang kulay RED..
- Iisang bulaklak ang malimit bilhin, ang ROSE..
- Iisang lugar ang pinupuntahan, ang H_ _ _ _ (ahem, iba ang iniisip mo, ramdam ko! pwes mali ka! dahil yan ay HOUSE.. ahehe..)
- Iisang matamis ang binibigay, ang CHOCOLATES..
- Iisang stuff toy ang nireregalo, ang TEDDY BEAR..
Kasi, tuwing month ng February sine-celebrate ang Valentines Day..
Di naman obvious kung ano ang Valentines Day at paano ito nagsimula. Pwes, sa mga hindi pa nakakaalam, basahin nyo ito:
---> Valentines Day
Ayos ba? Ahehe..
Bakit pag Valentines Day puro couples ang bida? Paano naman yung mga single? Yung mga balo? Yung mga bata at matatanda? Pwede din naman sila magsaya pero mas bongga ang celebration pag may ka-pakner ka.. More sweet-sweetan, more kilig factor.. Nainggit naman tuloy ako..
Pag Valentines, in demand ang mga good for two items.. Mga for him and for her goods like shirts, mugs, etc. Mas personlalized, mas pasok sa Valentines. Flooded na naman ang mga online stores, Divi, Quiapo, Greenhills at St Francis.
Mga salon and spa na nagca-cater for couples o yung tinatawag na couple's package. Sarap nga naman kasama si pakner sa salon, sabay kayo pagupit o pa-foot spa at massage. Mas kamahalan nga lang pero ano ba naman yun sa ngalan ng Valentines.
Sa mga schools, magpa-project si Mam at Sir, under sa subject na MAPE, ng puso na yari sa mga indigenous materials. May papel, plastic, kahoy, bakal, recycled materials, etc. At sabay-sabay nilang isasabit sa kisame ng classroom.
Sa mga universities at opisina, mabili ang mga roses at chocolates. Pwedeng personal na iabot o ipahatid na lang sa kaibigan. O kung may budget ka, ipapa-singing gram pa o LBC.
Puno na naman ang mga bookstores dahil sa kanilang mga greeting cards at kung anik-anik na may kinalaman sa Valentines. May ilan na gagawa ng scrapbook at ibibigay sa iniirog. May ilan na bibili ng lobo na hugis puso at may stuff toy pa sa loob nito. May ilan na dadayo sa mga cake shops para magpagawa ng mga customized cake, malimit ay heart-shaped cake, o yung mga cupcakes na may nakasulat na Happy Valentines Day.. Aww..
Sa ngalan talaga ng pag-ibig..
Special ang buwan na ito kasi mas naipapakita natin sa ating mga pakners ang ating affection at generosity. Parang kahilera na nga ng Pasko at iba pang legal holidays ang Valentines Day eh.. Pansin nyo ba? Talagang nage-effort ang bawat isa na mai-celebrate ito at gumagastos pa mapasaya lang ang mga taong iniirog nila.
Ano man o paano man tayo mag-celebrate ng Valentines Day, magastos man o todo tipid, makulay o hindi, ma-eksperimento o simpleng rose at chocolates lang, may pakner man o wala, ang importante we share one common feeling: LOVE..
So this Valentines day, let's spread the love.. Let go of negative thoughts, pain, hurt, ill-feelings.. Let's just love one another.
masaya pa din ang maging single. ahahaha
ReplyDeletenapadaan lang po...
oo naman! sang-ayon ako sau.. sabi nga, mahalin muna natin ang ating mga sarili para mahalin tayo ng iba..
ReplyDeleteagree . minsan masarap din naman may happiness hihhi
ReplyDelete