Hala!
I am so tuwang tuwa.. Tuwang tuwa sa blog ko. Kasi may nagfo-follow na. May gusto na ako maging friends. May ka-exchange ng links. May nagco-comment na sa mga post ko. At improving na ang itsura ng blog ko.
Ang saya saya naman.
Sana everyday na lagi ko io-open si blog ko, I will see new names and new comments. New invites to add them. Sarap ng feeling eh. Para lang facebook. Ahaha.. Padamihan ba ng friends 'to?
Hindi ah.. Ang friends sa blog ay different sa friends sa facebook, multiply o friendster. Dito kasi hindi lang updates at pictures ang nisha-share mo, kundi ang mga experiences mo. Binabahagi mo ang isang importanteng pangyayari sa buhay mo, tulad ng heartaches, happenings, travel adventures, food trips, etc.
At ang mga co-bloggers mo, di lang yan nagbabasa, kundi natututo pa sila. Minsan, you get to share the same experience. Tapos mag-exchange na kayo ng thoughts and opinions. May something in common na kayo. Saya di ba?
By blogging, we also get to see the creativity of one's mind. Kung paano nila i-describe ang isang bagay na di pa nila nakikita o minimithi sa pamamagitan ng pagsulat. Kung paano ilarawan ang emosyon ng walang mukhang ipinapakita. Kung paano aaliwin ang isipan mo at pagi-isipin sa mga matatalinghaga nilang katha. Lalim noh!
Di rin naman kailangan na may certain topic ka for blogging. Just some random thoughts. You can share your experiences, your feelings. Or wala lang. Tulad ko. Naisip ko lang na ibahagi yung katuwaan ko na may follower na ako, may nagco-comment na. Ibig sabihin, may nakaka-appreciate na ng mga sinulat ko. Creative writer na daw ako! Ahaha..
Dahil sa kasiyahang ito at sa mga bagong pangyayaring naganap sa blog ko, mas lalo akong namo-motivate na magblog pa.. Madaming-madami. Pero may kabuluhan naman. Para sabihin ng mga makakabasa nito, may sense ako! Creative writer nga eh.. Ahaha..
Sige na, wala na ako mapagsidlan ng kasiyahan ko. Bukas na lang ulit ,sa muling pagbubukas ng blog ko. Sa muling pagtipa ng mga titik. Sa muling paglalakbay ng aking imahinasyon.
halata bang di ko love ang pag-blog..??? :) |
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!