Tapos na ang bakasyon ko.
Bakasyon na pinangarap after trabaho.
Trabaho na kailangang balikan.
Balikan kahit nakakatamad.
Nakakatamad pero kailangan.
Kailangan ko kumita.
Kumita para matugunan ang mga pangangailangan ko.
Pangangailangan tulad ng pagkain, tahanan, kasuotan at libangan.
Libangan tulad ng pagbyahe.
Pagbyahe sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas.
**********************************************************************
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg4RRsmzmX0lRmpVWwtH-gYcOqlgousVjem21X5PtvsO_STzTydOXIS4mRAEeCjYxCWLVP-gSqfHEZJIx6mUQfCmFkX3Wo2v6zYhbP69p__EQlipxEo4l-OSgAVVuuZ2hjA4BYozI-2eWM/s400/backtowork.jpg)
Geez.. Sa totoo lang, tinatamad na ako pumasok. Nasarapan ako sa pagbabakasyon. Mahigit 2 weeks din yun. Sa bahay lang, matulog, kumain, mag-internet, magbasa ng libro, magpunta sa mall, manood ng sine, lumabas kasama ang mga kaibigan.
Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang trabaho. Kahit ka-text ko ang mga officemates ko, pero mga ibang bagay naman ang pinaguusapan namin. Walang connection sa trabaho.
May mga oras na naiisip ko, kamusta na kaya yung mga tao sa prod floor? Naiisip din kaya nila ako? Nami-miss ang presence ko? Ano kaya ang magiging reaction nila pag balik ko sa office? Masu-surprise sila o ako ang masu-surprise?
Ang bilis ng araw. Mamaya pala papasok na ko. Parang di ko pa na-enjoy mabuti yung bakasyon ko ah. Feeling ko kulang ako sa oras.
Simula mamaya:
Makakasakay na naman ako sa MRT
Bibili ng stored value card
Pipila at dadaan sa tursnstile
Bababa sa Boni station
Papasok sa Robinson Forum, dadaan sa lower ground papunta sa Cybergate Tower 1
Sasakay sa elevator patungong 15th floor
Ipa-pacheck ang bag kay kuya guard
Isusuot ang ID at magba-badge
Bibisitahin ang locker
Lalakad sa prod floor
Magcheck ng email
Makita ang mga luma at bagong mukha
Maki-chikahan sa mga na-miss na kaibigan
**********************************************************************
Pero, sa totoo lang, na-miss ko talaga 'to..
Iba ang buhay tambay sa buhay may trabaho. Masyado lang siguro ako nasabik sa bakasyon kaya halos itakwil ko sa isip ko ang trabaho.
At sa panahong ito, kailangan ko talaga mag-trabaho para mabili ang mga pangangailangan ko at matupad ang mga gusto ko.
***********************************************************************
Now that I'll be working again, you might think it will lessen the time I will be spending on blogging. But I will surely find a time for it. Blogging gives me pleasure. Blogging is my outlet when I want to vent out all my emotions. Blogging is my way of letting people know how I am doing.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi-xIkTtOzMrsW310pIZvrbb7MRv-nxNT4uhL7nacdBlxSZZ9ldB94sV6PoAkGF0G8K-B6aFuKJ5zksmoe2jlBV8ZKDD5VASN-i035c5pIevAWHNbAphr3Btzs2bOmE0q7Hfafdv08TB6Q/s400/workblog.jpg)
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!