Paano mo masasabing ikaw ay Masokista?
- kapag alam mo na ang isang bagay ay di totoo pero pilit mong paniniwalaan
- kapag alam mong mali ang kanyang gawain pero pilit mong itinatama
- kapag mas ninanais mo pa na ikaw ang masaktan at magdala ng pasanin kesa sa iyong pinakamamahal
- kapag nagawan ka ng kamalian, pisikal, pinansyal o emosyonal man, pero buong puso mong patatawarin at bibigyan ng mahigit sa isa pang pagkakataon
- kapag sinabihan ka ng mga di kanais-nais na salita pero sa iyong pandinig wari mo'y isa itong papuri
- kapag ipinagtatabuyan ka na pero pilit mo pa ring sinisiksik ang iyong sarili at magmamaka-awang tanggapin muli (kahit wala kang ginawang mali..)
- kapag nahuli mo sa akto ng pangloloko pero pilit mong binubura sa iyong isipan ang nasaksihan
- kapag nagbubulag-bulagan sa kabila ng kasinungalingan, panggagamit at pangloloko
... at marami pang iba.
Ilan lang iyan sa mga senyales na ikaw ay tunay na masokista.. madaling sabihin na kaya itong lunasan sa pamamagitan ng pag-iwan sa taong nanakit sa iyo at pagkalimot sa pangyayaring idinulot nito.. ngunit napakahirap na gawin!
Hanggang kailan ka magiging masokista? Hindi masama ang magmahal, maging mabuting tao, maging mapagbigay, maging bukas ang mata at isipan sa katotohanan.. pero dapat may hangganan.
Ang tao nagbabago. Lahat ng bagay sa paligid mo ay nagbabago. Sana sa iyong paglalakbay at sa patuloy na pakikipaglaban sa laban ng buhay, mawari mo na oras na para sarili mo naman ang iyong mahalin at makakilala ng mga taong magbibigay-halaga sa iyo.
ginagalit nyo talaga ko , isa akong volturi !!! bwahaha
ReplyDeletekanino ka nagagalit? sa mga masokista? eh isa ka ngang masokista, tried and tested.. :)
ReplyDeletehaha oo nga pala sorry naman , tayo pala ang nagpalaganap hehe
ReplyDelete