Septem-ber.. Octo-ber.. Novem-ber.. Decem-ber.. O-ber? Di naman..
Excited much lang lahat ng tao pag sumapit na ang mga buwan na nagtatapos sa -ber.What do we usually, and obviously, expect when these months come?
Pasko... Isali na din ang All Saint's Day at Thanksgiving (para sa mga nagwo-work sa call center..).
Regalo. Kasiyahan. Malamig na panahon. Madilim na paligid. Love life. Whew!
It's so hard to explain kung matutuwa ba ako o hindi dahil nalalapit na naman ang mga buwan na mapapagastos ako ng sinasadya. Regalo kay ganito, kay ganon. Sira ang budget. Nagsulputan ang mga samu't-saring okasyon. Mga okasyong dati ng ipinagdiriwang at mga okasyong napag-isipan lang. Mananariwa sa alaala ang mga pangalan ng mga taong hindi maaaring kalimutan, kalimitan mga inaanak! Makakaisip ng mga bagong idea at makakabili ng mga bagong gamit na sa wari'y makadadagdag sa appeal.
Malamig na panahon na gusto at ayaw ko. Masarap matulog ng malamig ang panahon pero hindi masarap maligo ng tubig na animo'y nagyeyelo. Gastos sa LPG na pampainit ng isang kalderong tubig. Dagdag bayad sa kuryente dahil sa malimit na paggamit ng airpot para makapag-kape. Extra budget sa pagbili ng mga sweater, hoodies at cardigans. Mga "in" na suotin sa panahon ng taglamig.
Madilim na paligid dahil mas mahaba ang gabi sa umaga. Alas sais pa lang ng umaga pero wari mo'y alas dyes na! Kailangan ko na yata ng extrang battery para sa flashlight ko! Simulang ayusin ang mga street lights pero hindi na malamang kailangan dahil patataubin lang sila ng mga kumpol-kumpol na christmas lights at lanterns. Pa-check up na kaya ako ng mata para maaninag ang mga aninong pilit na sumusunod sa akin. Anino ng tao, anino ng mga nagkalat na pusa at aso.
Nafe-feel ko na ang stress sa pag-iisip ng mga posible at practical na panregalo sa mga minahal, minamahal at mamahalin ko sa buhay. Ano ang bagay kay ganito? Gusto kaya ito ni ganyan? Meron na kaya sya nito? Malaman kaya nya na binili ko lang ito sa Divi? Magustuhan nya kaya ang kulay dilaw na medyas? Mahalata nya kayang japeyk ang bigya kong hikaw? Mga walang katapusang katanungan na di masasagot hanggat di nakukuha ng pagbibigyan ko ang regalo nya at masisilayan ko ang ngiti nyang (a) tunay at natural (b) pilit (c) may kasamang plastic na halakhak (d) labas ang mga pearly whites, wag lang masabing di ngumiti..
At ang huli ay ang paglipana ng mga nagkalat na asosasyon ng mga S-M-P... Aaarrrgghhhh!!!! I belong? No.. Christmas is for everyone. And the celebration doesn't start and even end requiring someone to have his/her own partner. I am not bitter but it is definitely not fair. For couples, it's an added bonus to celebrate it with your special someone. For those with the gift of single blessedness, you have your family and friends.. Cliche as it may sound, but that's the reality of life. Why deprive yourself of a truly special event? Anyone can have their own share of christmas.. (panting...) haha..
Well, those were just merely my thoughts when the months of -ber come.. I am so thrilled to know how time flies so fast. There's a bit of excitement as to how I would see myself come face to face with the fears lingering in my head. There's sadness in my eyes for not sharing these -ber moments with people I truly cherished. There's the kid-in-me-attitude playing behind as I see myself wandering on the beauty this event holds for everyone.
-Ber na.. Di na mapigilan. Just enjoy and have fun! Woot!
ber na nga! nice post ^_^
ReplyDelete