Never Expect, Never Assume.
Very timely para sa nararamdaman ko ngayon. Because I am the type of person na sobra, as in sobra, mag-expect at mag-assume. Kung meron man i-expect o i-assume, bahala na. Dun ako masaya eh. Masaya sa paggawa ng mumunting mundo kung saan lahat ay posible. Kung saan lahat ay pabor sa akin, sa kagustuhan ko.
Ang masaktan ay natural na. Hinihintay ko na lang kung paano at kung kelan. Kung sobrang sakit o kung kaya pang dalin. Kung makakabangon pa ako o lugmok na naman.
Sarap mag-expect di ba? Lalo na kung sure ball na may i-expect ka talaga? Eh pano kung wala? Eh di wala.. As if may magagawa naman ako para i-expect ang isang bagay na kailan man di ko makukuha.
Ayoko muna isipin yun. Ang saitwasyon ko sa ngayon ang mas importante. Ang mga magagandang nangyayari sa akin. Mga bagay na lumulugar sa kagustuhan ko. Mga moments na kung saan nasasambit kong masarap mabuhay. Masarap ma-in love.
Ano nga mga ba ang mga expectations at assumptions ko? Simple lang. Ang maging masaya sa piling ng mga taong gusto ko at mabuhay na kasama sila. Ang magkaroon ng mga di mabilang na sandali sa piling nila. Yun bang parang wala ng katapusan. Yun bang iisipin mo na lang kung ano pa ang mga bagay na mas higit pang makakapagpasaya sa kanila. Walang problemang kinakaharap.
Saglit lang. Di ba parang sa panaginip lang nangyayari ang ganung set up? Sa pangarap? Napaka-imposible ang mga iniisip ko at wala pa yatang taong nakaka-achieve nun.
Napaka-komplikado ko talagang tao. Hinahangad ang mga imposible sa buhay. Perfectionist, pwede. Pero madalas magkamali.
Masaya ako. Sa ngayon. Pero bukas, hindi ko masasabi. I am fully aware kung ano ang kahihinatnan ng mga expectations at assumptions ko. Gusto ko lang muna mag-enjoy bago maghirap ang damdamin ko.
Kelan ko kaya maisasaloob ang mga katagang ito? never expect, never assume.
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!