Declutter. (vb. to simply get rid of a mess)
Di ko namalayan, tambak na ang mga bagay na di ko na pala kailangan sa buhay ko. Mga bagay na pilit kong itinago at inipon sa aking alaala sa pagbabakasakaling pwede ko pa syang sariwain sa mga darating na panahon. Pero hindi na pala. So, ano pang gamit ng mga bagay at alaalang ito? Naisip ko di ko na rin naman sya mapapakinabangan. Di ko na rin kailangan pang alalahanin. Naisip ko na syang alisin, nang permanente, sa buhay ko. Tama na ang matagal na paghihintay sa muling pananariwa ng mga alaala. Hindi sa nawawalan ako ng pag-asa, pero alam kong wala ng patutunguhan. At di ko naman pinangarap na habambuhay na maghintay. Maraming surpresa ang naghihintay sa akin. Yun ang mas dapat kong unahin at bigyang halaga.
De-stress. (to release bodily or mental tension)
Sa sobrang ginawa kong pre-occupied ang sarili ko sa mga bagay na di naman nararapat bigyang-pansin, unti-unti kong nararamdaman ang stress sa katawan ko. Nanghihina, nanlulumo, nalulungkot. Mga katangiang di ko ninais makamtan at maramdaman. Kahit kailan di ko pinangarap na makita ang sarili kong namumuhay ng miserable. Sino ba ang may gusto? Kaya kung ganyan lang din ang mga kinakaharap ko, mas mamabutihin kong gumawa ng aksyon. Free my body and thoughts from all these pain and emotions. Dun papasok ang pag-destress. Libangin ang sarili. Look for other diversions. Wag hayaan ang sariling malugmok sa mga di kanais-nais na emotions. Ang kailangan lang ay oras at ang willingness na libangin ang sarili. Di kailangan gumastos o lumayo pa. Ang mahalaga nag-enjoy ka at napawi mo ang mga kalungkutan. At ang matapos ang araw na masaya ka.
Defining the new Me.
Sa ngayon, di ko pa mahanap ang exact definition kung sino ako. Pilit lang ako sumasakay sa agos ng buhay. Ngunit di ko hinangad na mamuhay sa anino ng ibang tao. Lahat naman ng tao may sariling identity. Sariling uniqueness. Di ko kailangan na makilala at maging sikat. Ang importante may mga taong nakapalibot sa akin at patuloy na nagsusuporta at nagmamahal. Ang mahalaga nai-enjoy ko ang bawat minuto sa piling nila. Hindi ako perpekto para maghangad ng lahat para masabi kong kumpeto ang buhay ko. Walang ginawa ang Diyos na perpekto. Kung anuman ang wala ako sa ngayon, di ko yun kailangang gawing big deal. Mas mag-focus na lang sa kung ano ang meron ako sa kasalukuyan at kung paano ko pa ito mapagbubuti.
Ang kaligayahan di mo masusukat. Dahil ikaw ang gumagawa ng kaligayahan mo. Di mo kailangan makipagkumpetensya sa iba, sa kung sino ang mas masaya at sino ang hindi. Hanggat maligaya ang pakiramdam ko, lingid man sa kaaalaman ng iba, ipagpapatuloy ko ito. Ako lang ang bukod tanging makapagsasabi kung ano ang makapagpapaligaya sa akin. Di ko masabi kung ano o sino, basta ng importante masaya ako.