This is my second time to try zipline. Sa lagay na 'to, may fear of heights pa ako nyan!
Yung una, sa may La Mesa EcoPark. Two storey ung height nya at tatawirin mo yung river papunta sa kabilang side. Mejo scary kasi tubig ang babagsakan. Pero hindi naman sya kahabaan.
ako yan, in action! |
Then we went to MoA, to try their version of zipline. Di rin sya kahabaan. At di gaano nakakatakot dahil lupa ang babagsakan. Breath-taking nga ang view kasi tanaw ang Manila bay. Mura pa, 150 one-way, 250 one way with picture. (Ang lamang ng EcoPark, two way sya! same price.. )
We tried the pahiga version. Wala kasing gaanong thrill yung paupo.. :) Since mababa lang sya I thought kayang-kaya ko! Saka di naman kahabaan yung ride. Pero nung isasampa na ako ni kuya.. wait! Mahirap pala yung pahiga. Kahit mukhang secured yung nakabalot sa katawan ko at may kakapitan naman, di pa rin secured ang feeling ko!
Buti na lang nagsabay kami ng friend ko, mejo nawala ng konti ang kaba. Pero gumawa naman ako ng eksena! Dahil kinakabit pa lang ni kuya ang strap sa katawan ko, humihiyaw na ako ng pagkalakas-lakas! Dinig yata sa buong parking lot ng MoA, pati yata yung mga nasa nakasakay sa yate sa Manila bay.. Hanggang sa makarating kami sa dulo! whew!
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!