Sino ang di dumaan sa kamay ng slumbook?
May-ari ka man ng slumbook o nakisulat lang, ang slumbook ay isa ng integral na parte ng buhay ng tao, kadalasan mga estudyante ang nakikinabang dito, mula pa elementarya hanggang kolehiyo, di kumukupas ang slumbook.
May scented, spiral, disney princesses-themed, manipis o makapal, mura o mahal, makulay, o kahit composition notebook lang na sinulatan. Yan ang iba't-ibang description ng slumbook.
Sa t'wing magtatapos ang klase, bago maghiwa-hiwalay ang magkakaibigan, kailangan lahat nakasulat na sa slumbook ng bayan. At nakakaaliw basa-basahin ang mga nakasulat, lalo na pag crush mo yung sumulat. Malamang ang una mong titignan, Who is your crush? Ka-disappoint lang pag hindi pangalan mo ang nakasulat dun. Pero okay na din na malaman mo ang iba nyang personal info like yung address nya, birthday at kung ano-ano ang mga paborito nya. At syempre, di papatalo ang last part ng bawat slumbook, ang dedication page! Pagandahan ng mga message, may maikli, may mahaba, merong may kwenta, meron ding wala.
Nung natapos na ako mag-aral at nagsimula ng magtrabaho, unti-unti nang nawala ang atensyon ko sa slumbook. Ang dami ng nagsulputan na pilit tinatabunan ang imahe ng slumbook, tulad ng social networking sites. Andyan ang friendster, multiply, myspace, twitter at facebook. Online slumbook. Di ka na mage-effort magsulat sa papel, ita-type mo na lang ang mga info mo, pwede pa icustomized ang itsura ng profile page lalo na ang profile picture. Kung gusto mo malaman ang info ng crush mo, isearch lang sya sa google at lalabas na ang link nya sa mga networking sites na nabanggit.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga nagmagandang loob pa rin na muling buhayin ang slumbook. This time, hindi nga lang sya ang typical na slumbook. This one's very unique. At salamat sa bumubuo ng Witty Will Save the World dahil nabuo nila ang tinatawag na: Akala Mo Wala ng Slumbook, Pero Meron, Meron, Meron..
Pangalan pa lang, agaw atensyon na! Ipinagdidiinan nila talaga na may slumbook pa! Lupet.. :)
Ito ang slumbook na hindi ka pine-pressure magbigay ng 1x1 picture mo. Kung kaya mo naman na i-drawing ang sarili mo, why not? Ma-appreciate pa ang artistic talent mo sa drawing!
Hirap ka magdecide kung ano ang favorite body part mo? E di i-drawing mo na lang. Again, another pogi/ganda points sa pagpapakita ng artistic side mo!
At para ma-identify na ikaw nga, at wala ng iba pa, ang nagmamay-ari ng mga sinulat mo, pwede ka mag-iwan ng thumbprint.. Ewan ko na lang kung may mag-claim pa na hindi ito sa 'yo.. :)
Wow pangalawang beses ko nang nakita tong slumbook na to sa mga blogs. Sumali pa nga ko ng contest hoping na baka manalo ko (pero no luck) hehe anyway, san ka po ba nakabili nyan? ang alam ko lang kase is online eh.
ReplyDeletemeron silang outlet sa St. Francis. Ung sa mismong entrance, ung ink refilling station. tanong mo lang kay ate kung meron pa syang stock nun. sana makabili ka para ma-enjoy mo din sya! :)
ReplyDeleteI remember my high school days.Before mag-graduation day mananawa kang mag-sign up ng slumbook.Until now I still keep my slumbook and read it.
ReplyDeleteNAKS travel blog na rin ikaw? hihi
ReplyDelete