Sinong gustong maging extra? Taas lang po ang mga kamay..
Kung meron man nagtaas sa inyo, di ko kayo masisisi kung hanggang ngayon pagiging extra pa rin ang gusto nyo.. Pero kung ako ang tatanungin, di ko kailanman nanaisin na maging extra lang. Alam kong ipinanganak ako hindi para maging paningit o maging second best lang. Ako ang bida sa sarili kong istorya. Apir!
Ano na naman ba pumasok sa isip ko at naisip ko ang salitang extra? Ang daming ibig ipakahulugan nito. Daming bagay na pwedeng pagkabitan ng salitang ito. Buhay, trabaho, pagibig.. Lahat ng bagay pwedeng lagyan ng extra.
Buti sana kung ang tinutukoy ko ay yung extra sa mga pelikula. Kasi kahit extra ka lang, bayad ka naman at may exposure ka pa. Sure way to enter showbiz.. Haha..
Pero yung maging extra ka sa buhay, lalo na sa buhay ng iba, sa trabaho at lalo na yung may kinalaman sa buhay pag-ibig.. hay.. ang hirap. Mahaba-habang paliwanagan.
Sabi ko nga, gusto ko ako ang bida sa sarili kong istorya. Pero may mga pagkakataon o sitwasyon na hindi ka muna pwedeng magbida. Daan ka muna sa pagka-extra. Tulad sa trabaho, di naman na promoted ka agad as manager pag nag-apply ka di ba? Daan ka muna sa pagiging OJT, to rank and file hanggang sa ma-promote ka na sa pinakamataas na position sa company. Everyone needs to start from small beginnings, sabi nga. Marami na tayong narinig na mga successful na tao na nagsimula sa mababa pataas. Mga artistang naging extra hanggang sa tumagal, naging leading man/woman material na.
Bakit ba kailangan dumaan sa pagka-extra? Di naman tayo biniyayayaan ng Diyos ng katalinuhan para malaman lahat. Meron pa din tayong di alam. Sabi nga, kung alam mo na ang lahat, kakailanganin mo pa ba ang Diyos?
Madali i-explain ang pagiging extra sa araw-araw nating pamumuhay at sa trabaho. Kasi halos lahat tayo pagdaraanan yan. Very much predictable. Cliche na..
Pero paano sa larangan ng pag-ibig? Paano natin ikakabit ang salitang extra? Gusto mo bang maging extra lang lagi sa mga love affairs mo? Paningit. Pamalit. Dobol.
Ang pangit pakinggan at di katanggap-tanggap na extra lang ang kalagayan natin sa puso ng ating mga minamahal. Reserve ba. Pag may kinailangan sya na di maibigay ng mahal nya, andyan ka para punan yun. Panakip butas? Pwede. Nakikiamot ng pag-ibig. Kay lungkot.
Para kang joker na nagpapasaya sa iyong hari o reyna. Ikaw ang tagapunan ng mga kakulangan. Nakakababa sa paningin ng nakararami pero marami din naman sa atin ang pabor sa ganitong sitwasyon sa kadahilanang mapalapit sa taong minamahal nya. Martir? Pwede. Masokista? Pwede din. Ang sakit isipin na nagagamit tayo para sa kanilang personal na interes. Pero para sa isang nagmamahal, kiber ba.. Basta masaya ka at alam mong napasaya mo sya. Kahit panandalian. Kahit bawal. Kahit di magkakaroon ng katuparan.
May tao man na itinadhana para sa atin, pero bago natin makilala ang taong yun, daraan muna tayo sa pagka-extra sa buhay ng ibang tao. Mamahalin sila na animo'y sya na ang itinadhana pero hindi pala. Tatanggapin lahat ng pintas at kamalian basta matutunan ka lang nila mahalin kahit sa huli, talunan pa rin.
Ang sakit. Ang hirap i-endure nung pain lalo na pag napamahal na sa iyo ng sobra. Pinakamasakit ang malaman na hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Kaya ang kinakahinatnan, hangga't andyan ang pagkakataon, sulitin na. Bahala na kung ano ang hawak ng bukas para sa atin. Bahala na kung anong sakit ang mararamdaman kinabukasan. Basta ngayon, masaya ako, sa piling nya. Masaya kami. Kung di man palarin na maging kami, walang problema sa akin. Tanggap ko na ang mga mangyayari. Mga alaala na lang nya ang sasariwain ko sa araw-araw na naiisip ko sya.
Ngunit di pa rin maitatanggi na sa isang sulok ng isip, lalo na ng puso ko, andun pa rin yung pag-asang sana matutunan nya ako mahalin, kahalintulad ng pagmamahal ko sa kanya. Na sana sya na yung itinadhana para sa akin. Na sana hindi ako extra para sa kanya. Na ako na yung bida sa puso nya at sa love story ko.
pa-extra naman.. |
waaaah ang hirap naman nito.. pinagdadaanan mo ba ito? Di nga? NOOOO!
ReplyDeletedi ko alam..kase may kakilala din ako na di niya maiwan..pero ngayon unti unti na siyang nag momove on.
Gawin mo ang kahit ano para sa pag-ibig..wag ka lang tatapak ng ibang tao.. kase feeling ko hindi pag-ibig tawag dun... hayyy.. kung pinagdadaanan mo man ang state na ito ngayon..sana malagpasan mo din..
tingin ko sa mga lalaki na hindi mag-stick to one.., tingin ko hindi sila magiging masayang pangarapin na kasama forever... kung sa akin mangyayari.. forever ako magkakadoubt na pwede din niya gawin sa kin ulit ang mga nagawa na niya.
Kamila, di naman akong-ako yan! in-exxag ko lang naman.. pero di ako yung tipo na tatapak ng tao para lang sa personal kong interes. syempre may takot din ako na pano kung sa akin din mangyari yun di ba?
ReplyDeletehanggang paghanga lang ako.. siguro papangarapin kong maging kami, provided na walang taong masasaktan. yung libre din dapat sya.