Tested.
Proven.
They are my best friends.
Celebrating friendship of more than 3 years now and still counting.. |
Dami na namin napagdaanan.. Dami ng gusot at away na nalagpasan. Dami ng tawanan at kulitan na naranasan. Still, magkakaibigang tunay pa rin kami hanggang sa huli.
Nagkahiwa-hiwalay man kami ng landas, di yun naging hadlang para matigil ang aming samahan. Lumayo man ng tirahan, nag-iba ng pinapasukan, nagka-lovelife o iniwanan, di problema yan kung gusto talaga namin na magkasama-sama. At wala pa ring naiba sa aming samahan. Walang aloofness, walang nao-OP, lahat kasali. Bihira man kami magkita-kita ng personal, pero nananatili pa rin ang aming closeness. Salamat at naimbento ang SMS, chat, FB, YM at kung ano-ano pa..
Minsan napag-usapan namin kung kelan kami huling nag-away-away. Sino-sino yung mga nag-away-away at yung mga hindi pa nag-away-away. Madalas maka-away namin yung dalawang lalake. Pareho kasing pasaway. Makukulit. Pero mahal na mahal namin. Mga tagapagtanggol namin lalo na kapag may nasawi sa amin sa pag-ibig.
Sa aming tatlong babae, walang problema. Mga certified kikay. Mga hopeless romantics.
Gusto kong silang ilarawan isa-isa. Game na?
Apple. The bubbly girl from Lipa. Anak ng kapitan. Katulad ko, hopeless romantic. Ayaw kumain ng gulay. Paborito nya ang kare-kare at chupa chups. Small but terrible. Sya ang pinakamaliit pero ang pinakamaldita. Walang palya sa pagsaway sa dalawang lalake kapag nagpapasaway. Kung pwede lang silang saktan, matagal na sana nyang ginawa. Hirap hanapan ng size ng damit, XXXS yata ang size nya. Kikay din. Latest nyang kakikayan, magpa-rebond ng hair. Dami nyang crush sa office (sino ba talaga sa kanila?) pero choosy.
Sharlene. The banker from Antipolo. Katulad namin, hopeless romantic din. Very firm yet soft-hearted. Love na love nya si Honeyapple. Sya ang mediator namin kapag nag-aaway kaming apat (me & Apple vs the two boys), kaya na-miss namin sya ng lubusan nung nag-Cebu kami kasi wala kaming taga-saway. She loves surprises. Fashionista to the max.
Ademar. Ikaw na ang heartthrob! :) Naku, ang kaibigan naming lapitin.. Sya ang aming counselor nung times na sawi kami sa pag-ibig. Mahilig manglibre (ng sapilitan!). Super generous o gullible lang?!? haha.. Malambing (kung di mo sya kilala, pwedeng pagdudahan.. ). Stick to one sa kanyang Sheshe.. :) Corny mag-joke, as in.. Wala sa timing humirit. Kung hindi late pumasok, suki ng NCNS. Sya ang madalas kong maka-away (ilan na ba napag-awayan namin?) pero dahil buddy ko, I just forgive and forget. Sya din ang madalas ko kasama, papasok sa work o pauwi, kasi pareho kaming taga-Nova. Sya ang matyagang nagsi-sync ng iTouch ko at taga-ayos ng PC.
Warren. Ang pinaka-gullible sa amin.. kaya nga sya si Gullible's travel! Ang Bicolanong gimikero! Kung saan-saan napadpad na gimikan. Pinagkaitan ng kaputian (peace!). Sya ang pinaka-irate naming kaibigan. Hilig mangatwiran! Walang pinipiling kaaway. At ang hilig nya: magmura! Wala yatang sentence na binitawan na walang mura.. Vitamins nya yata yun sa katawan. Pero the best yan pagdating sa pagsasalita ng English, hanep sa accent. Syempre, di pa rin mawawala ang magmura kahit sa lenggwaheng English. Ang laki ng sinusweldo pero ang hirap hiritan ng libre! At kung kailangan nyo ng megaphone, wag ng mag-atubili na sya'y tawagin, instant megaphone yan. Parang kausap nya lahat ng tao sa bus o sa resto o sa building sa sobrang lakas magsalita at tumawa!
At syempre, ako. Simple lang.. ahaha! Hopeless romantic din. Ako ang madalas na kina-counsel kasi ako ang laging may kumplikadong problema sa larangan ng pag-ibig. Mahilig akong mag-aya sa kanila ng meet ups. Di man ako nakakatext madalas pero lagi ko silang inaalala, lalo sa FB wallpost ko, lagi sila naka-tag. Mas ako yung laging nangangailangan sa kanila kasi minsan umaandar yung kashonghan ko.. :)
So, iyan ang aming mga katangian. Sa mga katangiang iyan ko sila nagustuhan at minahal bilang kaibigan. Friends for keeps. Friends for life. True friends indeed.
ang cute angel! ang cute niyo tingnan hahaha.. :) magpopost din ako tungkol sa mag pwends ko eh.. pero natuwa naman ako sa mga definition mo sa kanila.. lalo na sa napagkaitan ng kaputian..hehehe wawa naman siya..pero mukha naman siyang masayahin hahaha
ReplyDeleteThanks Kamila.. Kahit may laitan factor, mahal na mahal ko yang mga friends ko.. Sports naman sila, kung may magreklamo, uupakan ko! Hehe..
ReplyDelete