Makalipas ang ilang oras na paglilibot, pagbili ng mga pasalubong at pagtatanong sa mga Cebuanong di naman namin maintindihan, napagdesisyunan namin kumain na ng hapunan.
Ang suhestyon ng kaibigan ko: CASA VERDE
Eh ano bang meron dun? BABY BACK RIBS
At sinigurado talaga nyang masasarapan kami, kagaya ng pagsiguro sa kanya ng mga friends nyang dumayo na din sa Cebu. So, taxi kami papunta dun (di kami pwede mag-jeep, mahirap mag-commute sa Cebu at wala sa amin ang marunong mag-bisaya). Mejo tago ang kainan na ito at may pagka-sosyalin ang dating pero maraming kumakain. Akala ko hindi kami papapasukin dahil sa mga suot namin, pero napansin nila mukha kaming sosyalin kaya pinapasok na din.. ahaha!
waiting area |
mapa ng Cebu |
Ito ang kanilang specialty: BRIAN'S RIBS. Isang napalaking slab ng ribs na may rice at corn & carrots as sidings. Akala ko ribs lang ng kung sinong Brian yun.. ahaha.. Siguro specialty ni Brian 'to kaya yun ang pangalan nya.
Brian's Ribs |
i so love their food!! lalo na nga yung brian's ribs!!! BWAHA...naglalaway tuloy ako
ReplyDeletewow, uv been there? na-try mo na ang ribs ni Brian? haha.. sarap to the bones di ba?
ReplyDelete