more of Bohol here
______________________________________________
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang aking Bohol adventure. Ang dami kong gustong ikwento. Ang dami kong gustong ipakitang pictures. Ang dami kong nalaman about Bohol.
Bakit ba tinawag na Bohol ang islang ito? Mula sa salitang bo-ho o butas.
Bakit? Marami daw kasing caves o kweba dito.
Una, gusto ko munang magpasalamat kay tita Ermie, ang napakabait na tita ni Apple. Sya ang umayos ng itinerary namin dito, ang nakipag-usap sa tour guide namin at sa sasakyan, ang nagbook ng ticket sa Ocean Jet, ang nagpababa sa aming bayarin dahil sa mga nakuha nyang discounts.
At kay kuya Ondoy, ang aming tour guide/driver, at sa kanyang napakaraming kaalaman tungkol sa Bohol. A true blooded Boholano (or Bol-anon). He kept us well-informed of all the places we've been. Telling all the stories (legend or scientific) that lies behind it. The whole countryside trip was fun and enjoyable.
The nice thing about touring Bohol ay yung isang daanan lang ang tatahakin mo. Lahat mapupuntahan na. The first naming pinuntahan ay ang pinakamalayo, Chocolate Hills. Then sa pagbalik na lang yung iba.
Una naming nadaanan yung pandayan. Gawaan ng bolo. At walang biro na ginagawa nila ito ng mano-mano. Nakakaawa ang itsura nila kuya pero yun talaga ng hanapbuhay nila. Nakakabilib ang kasipagan at kahusayan. Mabuhay kayo!
Gusto ko sana bumili pampasalubong pero baka maharang sa airport. Mahirap na. Yung payong ko nga di pinatawad eh. Pinaiwan sa airport.
Ang may-ari nito ay kapitan ng barko. Obvious naman sa hugis ng bahay nya. Ship Haus ang tawag sa kanya. At pinagawa nya daw ito in preparation for the end of the world.. creepy!
Ang ganda pagmasdan ng tanawin habang naglalakbay dahil dagat lang naman ang view mo sa gawing kanan. At napakalinis. Napaka-presko!
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!