Tanong #1: Nakapunta ka na ba sa karnibal?
Tanong #2: Ano-ano ang mga makikita sa karnibal?
Tanong #3: Nalaro at naranasan mo na ba ang mga atraksyon sa karnibal?
Tanong #4: Ano ang naramdaman mo ng nagpunta ka sa karnibal?
**************************************************************************************
Ilan lang yan sa mga tanong ng mga taong di pa nakakaranas magpunta sa karnibal. Wari'y ini-imagine nila ang mga makikita nila dun, ano ang mga pwedeng gawin at ano ang mararamdaman pagpasok at paglabas sa karnibal..
Ang karnibal na tinutukoy ko ay yung karnibal na malimit makita sa mga probinsya, yung mga bumibyahe sa mga karatig bayan na nagdadaos ng pyesta, yung mga gawa lang sa mga bakal at kahoy. Dito sa Manila, meron pa din nagtatayo ng karnibal pero bibihira na lang. Nariyan na kasi ang mga themed parks tulad ng Star City, EK etc..
Para sa mga lumaki sa probinsya o yung mga nakaranas pumunta sa karnibal, magugustuhan nyo ang mga ibabahagi ko. :)
Sa larong ito, piso lang ang kailangan mo. Ihahagis sa board at dapat pasok sa loob ng mga squares! Pag swak, panalo ka ng isang porselanang baso o pinggan.. :) Simple lang ang premyo pero sulit naman ang effort mo. Di kaya ganon kadali mag-shoot ng piso. Try mo kaya!
Horror house |
Alam naman nating wala talagang aswang sa loob ng Horror house na ito kundi mga taong naka-maskara lang ng nakakatakot, pero bakit takot pa din tayo pasukin ito? Hmmm.. Kahit na wala pang 10 mins libutin ang nasabing Horror house at maaaring alam mo na ang pasikot-sikot nito, pero gimbal pa din tayo sa takot.. Baka habulin ka o hugutin ka at di ka na makalabas.. Eh, tao lang naman din yun tulad natin.. Ahaha..
Zuma.. king of snakes |
Sayang di ko napasok 'to.. Gusto ko sana masilayan ang itsura ni Zuma.. Katawang tao ba sya at ang ulo ay ahas? O katawang ahas pero mukha ng tao? Sya ba yung Zuma na napapanood natin sa pelikula? Ano kaya ang misteryo ni Zuma?
Carousel |
Yan ang di mawawala sa lahat ng karnibal. Kasama lagi ng Ferris Wheel. Kahit yari sa kahoy ang kabayo, okay lang. Lalo na sa mga bata. Walang reklamo kahit mahilo pa.
At ano ang masarap kainin habang nasa loob ng karnibal at naglilibot? Eh di mani at popcorn.. Sa mga themed parks lang yung mga hotdog, corndog and cotton candies.. Di uso yun sa karnibal.
mani: hubad, may balat, maanghang, may bawang o wala |
popcorn: cheese o butter flavored? |
Isa rin ito sa main attraction ng mga karnibal. Pero ni minsan, di ko ni-dare na i-try panoorin ito. Paano na lang kung bumigay yung wall? O di kaya tumilapon yung motor? Though, feeling ko naman safe panoorin ito at malamang mga professional na ang mga gumagawa nito.
Itong isa, tatayaan mo yata yung numero, kung saan tumapat, panalo ka.. Tama ba ako? Di ko sure eh.. Pero ang prizes mga porselanang mangkok, baso at pinggan din.
Number Game |
As the name implies, tatayaan mo yung number. Parang pachinco, may ihuhulog na bola, kung saan bumagsak na number, yun ang panalo. Balik taya o minsan doble pa. Easy money.. Ahaha..
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!