Kung nabasa niyo yung definition ko ng keychain sa blog post ko, Keychain .. malamang makaka-relate kayo sa isusulat ko. Nahanap ko na kasi ang keychain na pinapangarap ko. Sana nga sya na. Sana lang talaga.
Pa'no ko ba sisimulan? Siguro, i-describe ko muna sya. Chinito. Yun ang unang nagustuhan ko. Ewan ko ba bakit ako mahilig sa mga chinito. Ni halos di nga maimulat ang mata pag nakangiti. Pero dun ako nai-in love. Sa mga chinky eyed. Nice smile, with dimples pa. May katangkaran. Lalaking-lalaki ang tikas. Mabait sa pagkakaalam ko. Kahit di ko pa sya lubusang kilala, feeling ko mabuting tao sya. At matalino.
Dati, ni hindi kami nagbabatian. Care ko ba? Isa lang sya sa mga daan-daang taong nakakasalubong ko sa floor. May angas factor pa nga. Nakaka-intimidate. Pano di ako ma-intimidate eh galing nya kasi sa computer. Techy. Super amazed ako. Kainggit ba..
Bakit di ko sya pansin dati? Kasi attached pa ako nun. May existing keychain pa. Pero nung nahulog yung dati kong keychain sa keychain holder ko, unti-unti, sa kanya na nabaling ang atensyon ko. Unti-unti napapansin ko na sya at nagugustuhan.. Kilig!
Nagtanong-tanong ako sa mga nakakakilala sa kanya at napag-alaman kong mabait nga sya. May mga common friends pa kami. Pero di ko naman sila balak gamitin. Di pa extensive ang research ko nyan. Pero nagbabalak na ko.. Hihi.. Stalker ba ang dating?
Hay, ngayon ko na naman kasi naramdaman kung paano magka-crush. 5 taon din akong di tumingin o humanga man lang sa mga kaanak ni Adan. Ngayon na lang ulit! Kaya ganito na lang ako ang pagkagusto ko sa kanya. Pinana na yata ako ni Kupido!
Masyado pang maaga pero ramdam kong gusto ko sya. Kahit alam kong sa estado nya ay hindi maaaring maging kami, okay lang. Tanggap ko. Patuloy ko pa rin syang hahangaan. Malay natin, mag-iba nag ihip ng hangin, bigla nya akong mapansin, kausapin at pagsimulan ng magandang pagtitinginan. Ilusyunada.. Hihi..
Umaasa akong tapunan nya ng pansin. Umaasa na sana matanto nyang gusto ko sya. Umaasa na makasalamuha ko sya. Makausap. Madama.
Ayminlab..
Pak. Back to reality. Di sya pwede. Committed sya. Pero wa ako care. Humahanga lang naman ako. Kahit may konting asa. kahit di magkatotoo, ayos lang. Ang importante may nagbibigay inspirasyon sa akin. Ang importante, unti-unti ko ng makakalimutan ang mapait na nakaraan. Sa kanya ko iaalay ang atensyon ko. Kahit di nya alam. Kahit wala syang idea sa pinaggagawa ko.
Ganito pala yung feeling ng may inspirasyon.
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!