Popoy: Bash, indi mo ba alam yung three-month rule? Lahat ng taong nainlove at nakipagbreak ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna. Tatlong buwan. Diba tatlong buwan bago ka makipagboyfriend ulit, indi mo alam yun!?
Bash, may dalawang linggo pa ko eh. Dalawang linggo pa! Bat ba katingkati kang palitan ako?
Lahat naman ginawa ko na ah. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Putang ina naman bash! Ganyan ka ba katigas? Parang awa mo na sumagot ka naman! Ano sumagot ka! Sumagot ka!
(Popoy breaks down and cries)
Bash, mahal na mahal kita at ang sakit sakit na..
From the movie One More Chance
**************************************************************************************************
Sana nga may 2 linggo pa ako.. Sana pwede pa i-extend.. Sana ung 3 months kasing haba ng 1 year.. Sana..
3 months na ang nakalipas.. 3 months na akong mag-isa.. 3 months ng huli ko syang makita at makasama. 3 months na akong umaasa at humihiling na sana'y muli syang makapiling..
Akala ko pagkatapos ng 3 months, tuluyan ko na syang makakalimutan.. Hindi pa pala. Sabi nga nila, di ganon kabilis ang lumimot. It takes years, shet ang tagal! Only time can tell kung kelan ka talaga makakalimot. Makaka-move on..
Lintik na move on yan. Ang tagal dumating. Siguro nga the more na gusto mong maka-move on, the more na di mangyayari yun, the more na maalala at maiisip mo pa rin sya. Hirap na ako. May mga oras na akala ko naka-move on na ako kasi di ko na sya naiisip pero panandalian lang pala. Maya-maya susumpungin na naman ako ng pagka-emo. Magmumukmok sa kwarto, makikining sa mga love song, iiyak at iisipin sya. Parang tanga lang!
Wala naman talaga basehan yang 3 month's rule na yan. Parang guide lang na kahit papano may hangganan ang pagiging martir sa pag-ibig. Na kailangan na tuldukan ang nakaraan at magsimula ng panibago.
Salamat sa 3 months dahil nakalipas na ito. Maraming nangyari na di ko ma-imagine na ginawa ko. Maraming luha ang bumuhos. Maraming text messages ang nasend sa mga kaibigan for their advices. Maraming gabi ang ginugol sa pag-iisip sa kanya.
After 3 months, ready na ulit buksan ang puso at isip sa maraming opportunities na nakalatag para sa akin. After 3 months, limutin na ang nakaraan at bigyang buhay ang pag-asa na may bagong pag-ibig na naghihintay para sa akin. Sarap pakingggan!!!
Makaka-move on din ako. Patience lang. And I always believe that God will never leave me empty handed. Marami syang surprises for me. Darating din si The One for me.
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!