Quezon Memorial Shrine
fountain
Circle of Joy (playground & bike rental area)
playground (for kids & kids-at-heart)
array of foods (this one's an all-you-can eat breakfast for Php99)
Travel.
Photos.
Adventure.
Ang goal namin ni bff.. We will do things that will make us happy..
Travel is one.
Travelling doesn't necessarily mean we need to board plane or ship. A simple bus or jeepney ride will do. Travelling doesn't mean we have to be on far places. Simpleng libot around the Metro pwede na. Ang dami pa pala naming di napupuntahan dito sa Manila.
Start muna sa lugar kung saan kami nakatira. Quezon City.
Wikipedia: Quezon City (Filipino: Lungsod Quezon) is the former capital (1948–1976) and the most populous city in the Philippines. Located on the island of Luzon, Quezon City (popularly known to Filipinos as simply QC) is one of the cities and municipalities that make up Metro Manila, the National Capital Region. The city was named after Manuel L. Quezon, the former president of the Commonwealth of the Philippines who founded the city and developed it to replace Manila as the country's capital.
And Quezon City's famous landmark is the QC Memorial Circle. Last punta ko dun ay nung elementary pa ako, part of our educational field trip. Then di na naulit.
So ganun na lang ako ka-excite nung napagplanuhan namin na pumunta sa circle. Ang laki ng pinagbago sya.. as in super laki.. Modernized na. Dati, bago ka makarating sa circle, makikipag-patintero ka muna kay kamatayan sa pagtawid sa kalye. Ngaun, may ginawa ng underpass. Safe nga naman.
Wala na din ung paradahan ng mga jeep sa loob. Tama lang yun, nakakasira ng tanawin.
May mga restaurant na sa loob at isang hilera ng mga pagkaing pinoy. May eat all you can resto, coffee shop, bakeshop, fruit stand, burger stand, palamigan etc. Busog ka agad sa dami.
Isa sa mga highlight ng circle ay yung bike rental. At di namin pinalampas yun. Di ko akalain marunong pa pala ako magbike at aliw na aliw akong gawin yun. Ilang ikot din ang ginawa ko sa loob ng isang oras.
After biking, libot muna sa buong circle. Sarap sana pumunta sa Shrine pero haba ng pila, daming tao at mainit. Then binalikan namin yung nakita naming eat all you can breakfast for 99 pesos. Sarap. Busog.
Sarap balikan ng nakaraan. Sarap alalahanin ng nakaraan. Sarap ulit-ulitin.
Next stop: the walled city of Intramuros
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!