It's been a month din na ni-nurse ko yung feelings ko for you.. Akala ko everything's gonna run smoothly.. Akala ko magiging tayo in the end.. Puro akala.. Puro expectations..
Mali. Maling-mali.
Akala ko kaya ko kontrolin yung feelings ko for you. Sabi ko sa sarili ko, hanggang friends lang dapat tayo. Nung nagsabi kang, I like you.. I tried na dedmahin lang yun at wag bigyan ng meaning. Pero tao lang ako at babae pa, mahina.. That gave me away and made me fall for you..
Dati hinahanap mo ako sa chatroom, ngaun ako na yung naghahanap.. Dati I can wait for hours for you to initiate the conversation, ngaun ilang seconds lang after ko maka-log in at makitang log-in ka din, I can't help but to say, Hi..
Mali yung nararamdaman ko kasi una, di ako dapat umasa sa iyo. Dagat ang pagitan natin. Kung yung ex- ko na sa Makati lang nakatira eh feeling ko ang layo na namin sa isa't-isa, paano ka pa kaya? Nasa ibang bansa ka eh. Wala akong idea kung ano ang mga pinaggagawa mo dun, kung sino-sino ang mga kinakausap mo.
Tiwala ako sa mga salitang binitiwan mo. Ang sarap pakinggan. Feeling ko bumabalik ako sa pagka-teenager. Sinusuyo, nilalambing, pinapangakuan. Sasabayan mo ng pa-cute mo habang naka-video chat tayo. Weakness ko yun, kung alam mo lang. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang paghanga ko sa iyo.
Hindi na ako nadala..
Kailangan ko pa ba umasa na magkikita tayo pagbalik mo dito? Na maririnig ko pa yung mga salitang ayaw mo bitawan sa chat dahil ang gusto mo manggaling mismo sa bibig mo at masabi mo sa akin ng personal? Itutuloy ko pa ba ang pag-daydream na makasama ka sa panibagong yugto ng buhay ko?
I must not hate you, but I feel like hating you..
I know wala kang alam sa nararamdaman ko, wala kang kasalanan sa nangyayari sa akin. But you're the one responsible for this.
Tama na siguro. Tama na ang umasa sa wala.
I know we can't be together una, we have lots of differences, there are things that we still need to work on para mag-jive tayo.
Lately, di ko na ma-feel ang presence mo. Not knowing may iba na palang kumukuha ng attention mo. In other words, ibang ka-chat. Fine. Good luck.
Halos mamugto mga mata ko kahihintay sa YM at i-buzz mo ko. Pinipigilan ang pagsara ng mga mata ko sa sobrang antok at halos malipasan na ng gutom para lang maka-chat ka.
Malamang I would be hearing sermons na naman from my friends. Nagpapakatanga na naman ako para sa isang lalaki. Ang malala pa, ni hindi ko pa kilala ng lubusan. Sa chat lang.
Pesteng chat yan. Ngaun lang ako nakipag-chat, nauwi pa sa trahedya.. Kalungkot naman.
wtf thats stupid =(
ReplyDeletewhat? stupid? who? me?
ReplyDeletei know im plain stupid.. falling for the wrong person.. making my life so complicated.. when i could have avoided it the first place, i decided not to..