Patagal ng patagal, paganda ng paganda.. Wow.. Yan ang motto namin ni bff, Marq..
Ang plano: magpa-facial..
..kasi feeling namin tadtad na ng alikabok at polusyon ang mukha namin. Feeling namin pwede ng taniman ng kamote sa sobrang kapal ng dumi. Araw-araw ba naman bumibiyahe sakay ng killer bus, fx o mrt. Isang roll ng tissue kulang pa pamunas sa mukhang madumi. Yikes!
This is already our second time na magpa-facial. Yung unang experience, scary! Nung unang sabak namin sa facial, halos parang binanad sa merthiolate ang mukha namin sa sobrang pamamaga. Nakakahiya maglakad sa kahabaan ng Cubao. Salamat na lang may shades ako, naitago ko ang identity ko. At ngayon habang papalapit na kami sa facial center (itago natin sa pangalang Let's Face It), nai-imagine na namin kung anong klaseng torture ang mararanasan namin sa kamay nila ate.
So, ayan na, tinawag na ang name namin ni ate, time to wash our faces with liquid soap (1 beses) and bar soap (3 beses) with matching hair cap at bib para di mabasa ang damit. Pahihigain kami ni ate at uumpisahang imasahe ang mukha, para marelax. Papahiran ng kemikal at ibababad sa steam. Iiwanan ka ni ate ng mga humigit kumulang 20 minuto at makikipag-chikahan muna sya sa isang ate. Pagbalik ni ate, pupunasan na ang mukha at umpisa na ng kalbaryo. Prick dito, prick doon. Walang pakialam si ate kung may luha mang umaagos sa aming mga mata dahil sa sobrang sakit. Busy sya kakabutas sa mukha namin. Ouchy!
Papahiran ulit ng kemikal na syang magpapaganda sa amin. At voila! Itataboy na kami ni ate kasi tapos na ang session namin. Bibilinan kang wag basain ang mukha buong magdamag. Maglalambing na sana sa pagbalik mo sya ulit ang makaulayaw mo pero ang totoo umaasam lang ng tip yun. Dahil sa sinaktan nya ang mga mukha namin at walang awang ni-prick, next time na lang. Sana sa susunod hindi na torture. Wala ba kasing painless na facial?
Bayaran na daw.. swipe!
Feeling namin, kumapal ng 3 pulgada ang mukha namin at namamaga pa. Ang solusyon: magsuot ulit ng shades para ikubli ang mukhang nilapastangan. Isang araw muna ang palilipasin bago pwedeng basain ang mukha. At presto! Masisilayan mo na ang kagandahan mo.
In fairness naman, sa 2 ulit namin na pagpa-facial ni bff, bumuti naman ang hilatsa ng mukha namin. Gumanda, kuminis, nawala ang mga dreaded pimples at nagmukhang gawa sa porselana ang aming mga balat.
Ang lesson sa experience na 'to: No pain, No gain..
thanks to our magic card !!! hihihi . bakit ang cute cute ko today hihihi
ReplyDelete