Dear Diary,
Gusto kong magtago...
Gusto kong magtago against hurt, pain, sadness, cruelty, selfishness, loneliness, at kung ano-ano pang negative emotions na meron ako sa katawan, sa katawan ng mga taong nakapalibot sa akin at sa mga bagay sa paligid ko.
Ayoko magpakita at ayoko sila makita.
Much as I would like to try flipping every negative side of things, feeling ko I'm so helpless.. Kasi ako lang mag-isa ang lalaban sa nararamdaman ko, walang ibang pwedeng tumulong sa akin, kung meron man, I don't think they can handle the situation nor even have the slightest idea kung ano talaga ang nangyayari sa akin.
Naiinis ako.. Naiiyak.. Nanginginig.. Nanggagalaiti.. Aaarrrggghhh.. x(
Ano ba? Tataguan ko ba ito o haharapin ko ng bonggang-bongga?
Nakakatakot..
Masarap magtago. Mejo magiging at ease ako. Yun nga lang, not for long. Wala din akong ie-exert na effort. Pero hindi titigil ang issue. Baka nga lumala pa.
Harapin ko kaya? Pero paano? Akala ko matapang ako pero hindi pala.. May mga pagkakataon siguro na matapang ako pero mas nananaig pa din ung kaduwagan ko. Ang galing ko mag-advice pero sarili ko di ko maayos.
Life is so ironic..
I can't think of any possible solution for now. Siguro, the best that I could do is to observe the peeps and the things around me. Observe how would I act and react to the situation. Makibagay siguro sa daloy ng panahon. At wag paandarin ang kamalditahan. Wag magmatigas. Siguro, pag tinuloy-tuloy ko yun, makikita ko din yung solution. At malamang baka hindi ko na naisin na magtago pa. Sugod na lang ng sugod, harapin ang bawat problema ng nakangiti at positibo.
Kaya ko ba 'to?
Kakayanin.. :)
Aja..
Angel
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!