Dear Diary,
Kelan pa ba kita huling in-update? Di ko na maalala.. Sa sobrang ka-busyhan ko sa work, sa lalake, sa kaibigan at sa bago kong laruan.. Pasensya na.. :(
Wala naman talaga ako balak mag-blog ngaun. Wala akong maisip na topic. Kung meron man, puro kasawian sa buhay. Gusto ko lang may mailagay kahit papaano sa blog.
Ano ba? Ayoko magkwento ng something personal. Akin na lang muna yun. Mahirap na. Very public ang blog ko. Ma-misinterpret pa. Sad.
Kung may nais man akong isulat na mejo sensitive ang topic, andyan naman si itouch ko. Sya na ang bago kong bestfriend, bago kong pagbubuhusan ng sama ng loob at katuwaan. Very private sya kasi di mo mababasa un. Password protected. Astig. Lahat ng naganap at naramdaman ko sa isang araw bukod tanging sya lang ang nakakaalam.
Hay..
Nakakapagod na din kasi magtype at paganahin ang imahinasyon. Pero feeling ko kasi madami akong gustong i-blog, wala lang ako sa mood. Kung pwedeng basahin na lang yung isip ko at isalin sa blog, ayos! Wala na sanang problema. Saka di ako ganun ka-creative sa paggawa ng blog unlike yung mga blog friends ko. Mga gifted sila, ako trying hard.
Yun lang. Tinatamad na ko mag-isip. Saka na ulit. Maganda siguro gumawa ako ng rough draft ng mga naiisip kong i-blog para ico-copy ko na lang sa blog, wala ng effort mag-isip.
Angel
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!