Dear Diary,
One month.. and counting..
One month na pala kaming hiwalay.. Sad.. Iyak na ko.. :(
Ang bilis ng panahon. Masyado pang sariwa ung nangyari eh.. Nare-recall ko pa last day na nagkita at nag-usap kami, at napag-desisyunang tapusin na ang lahat.
Naiisip ko pa din sya, nami-miss, nananabik na mayakap sya.
Pero naisip ako, sya ba ganun din ang iniisip ngaun? Naiisip nya kaya ako? Nami-miss? Nananabik na mayakap din?
Iyak na naman ako.
Im still in denial stage.. Dine-deny na wala na talaga kami, kasi sa isang sulok sa puso ko, umaasa pa ko. Naghihintay na balikan nya. Baka maisip nya na ako pala talaga ang mahal nya. Andito lang ako, naghihintay sa yo.
Leo..
Bakit kasi napaka-common ng name mo.. Kahit saan may taong may pangalang Leo, kahit hindi ikaw un pero bakit di ko mabigkas.
Dati ang motor walang dating sa akin, pero ngaun alam ko na bawat tatak ng motor at kung anong model. Di ko maiwasan mapasulyap pag may dumadaan na Fury sa harapan ko. Wini-wish na sana ikaw ang sakay nun.
Natutuwa ako nung malaman kong in-add mo sa Facebook after nating maghiwalay. Di pa kita kino-confirm pero wala din akong balak na i-ignore ka. Mas natuwa pa ako nung nakita kong ni-poke mo ko.. nagpaparamdam ka ba? may sasabihin ka ba sa akin? Nakakakilig..
Pero nalungkot na nman ako nung ni-try kita tawagan pero di ka ma-reach.. Ung days naging weeks, di pa rin kita makontak. bakit kaya? wala ka na bang phone? o baka may nangyari sau? u got me worried ng sobra..
bakit pa ako nag-aalala sa yo? kasi mahal pa kita eh.. mahal na mahal..
wala akong pakialam kung mabasa man 'to ng mga friends ko. alam ko naman ung effort nilang tulungan ako para lang makalimutan ka.. gusto ko lang iparating sa yo kung anong nararamdaman ko. kahit sa blog lang, kahit alam kong walang chance na mabasa mo 'to..
sana hindi na lang nangyari 'to..
kung alam mo lang kung gaano kahirap magpanggap na matapang.. pinipilit burahin ung nakaraan.. sa pelikula at telenovela lang nangyyari un, mahirap pla sa totoong buhay.
di naman ganun kadali ang alisin ka sa mundo ko. 5 years tayong magkasama kaya malamang matagal-tagal ang healing process ko nito..
im looking forward to meet anyone pero naiiba ka pa rin sa kanila.
Move on..
2 words lang. Pero matindi ang impact. Move on from your sight, your memories. Let others in.
Open my life to many possibilities. Meet and greet new people. Live and let go.
Sana maka-move on na ko.. Sana kayanin ko..
Isang buwan pa lang.. Ilang months, even years, pa ang darating pa masabi ko sa sarili ko na i've finally moved on?
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!