Hey, IM STARVING...
Accdg to answers.com: the act of depriving
Accdg to ME: starving pertains to hunger (for food, power, prestige, love, attention, care, etc)
Im starving for food.. gutom na ko, in short.. given naman para sa isang tao ang punan ang pangangailangan ng pisikal na katawan. kumain ng sapat at mga pagkaing dapat. wag magkulang ngunit wag din lumabis. mahirap maparatangang matakaw. hanggat nakakakain ako 3x a day, espesyal man o hindi ang ulam, basta kasama ko ang pamilya ko sa hapag-kainan, mabubusog na ako..
Im starving for things i cant have.. things like gadgets, cosmetics, jewelry even money. sino ba ang hindi maghahangad ng mga bagay na 'to? lahat nagiging materyoso na, isang disadvantage ng technology. lahat nakadepende sa machines. ang resulta, katamaran, dependency. maaaring hindi lahat ng bagay ay nasa akin pero kung nanaisin ko, makukuha ko din. set goals. ngunit di ko pinangarap dumepende sa isang bagay. di kayang tumbasang ng isang gadget ang aliw na nakukuha ko sa mga kaibigan ko, di kayang bilhin ng pera ang pagmamahalan namin ng pamilya ko.
Im starving for power and prestige.. gusto kong maging sikat, makilala saan mang sulok, makita ang kapasidad ko sa larangang tinahatahas ko.. pero di madali gawin. kailangan ng ibayong pagpupursige at paghihirap. madaming naghahangad pero kaunti ang nabibigyan ng pagkakataon. ang mahirap lang, pag nabigyan ka ng chance for power at prestige, umiiba na ang ikot ng mundo, madami na ang nagbabago. nagiging sakim. ayaw pakawalan. pilit nagtutumaas. sana man lang gawin sa tamang paraan , ung lahat makikinabang.
Im starving for love, attention and care.. mula sa mga taong minahal, minamahal at mamahalin ko. feeling ko kulang ang pagkatao ko. patuloy akong humihingi ng attention, kalinga at pagmamahal. binibigyan naman nila ako pero sa palagay ko laging di sapat. di nga ba sapat o madami lang akong pangangailangan na di mapunan? mas nananaig ung pagiging di sapat kaya di ko namamalayan patuloy akong nagdedemand. ni wala sa hinagap kong di lahat ng tao kayang punan anng pangangailangan ng isa. sa sobrang demand ko, nauwi din ako sa kakulangan. nagkulang na nga ako sa kalinga, attention at pagmamahal, nagkulang pa ako sa mga taong patuloy na pupunan ang kakulangan ko. sana maintindihan nila ako, sana mapatawad nila ako.
minsan sa buhay kailangan may kaunting kakulangan, hindi dapat labis.. lalong mahirap gawing sakto.. at hindi dahil sa may kakulngan ako ay magdedemand ako ng husto sa mga tao at bagay na nakapaligid sa akin. Di ko naiisip nagiging unfair na ako. Di ko naisip sila mismo ay may sarili ding kakulangan na maaaring ako lang ang makakapunan. Sa sobrang kagustuhan na mapunan ang wala sa akin, unti-unti ko silang nababalewala at di napapahalagahan..
Hay, fasting na nga muna ako.. Di bale ng magkulang, basta sa huli, alam kong masaya ako at ang bagay at mga taong nakapaligid sa akin. Di ko naiisip na di naman siguro yung mga bagay ang talagang makakapunan ng kakulangan ko, kundi sila mismo, sila mismo ang bubuo sa aking pagkatao.
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!