Ang daming naglipana sa mundo na manggagamit.. Manggagamit para sa kanilang personal na intensyon. Sakit isipin na gumagamit sila ng ibang tao matupad lang ang ninanais nila. Di ba sila nakokonsensya sa ginagawa nila? Bakit kailangan nila mangdamay ng inosenteng tao? Anong mapapala nila sa panggagamit ng ibang tao? Bakit di sila ang kusang humarap sa problema nila at lutasin nila mag-isa, yung walang damayan.. Mga wala silang lakas at kakayahan na harapin ang problema nila. Takot matalo at harapin ang pagkakamali nila. At kapag nakuha nila ang gusto nila dun sa taong ginamit nila, pababayaan na lang at iiwan sa kawalan. Ni isang pasalamat hindi mamumutawi sa labi nila.
Sana lang maisip nila paano kung sa kanila ginawa yun? Papayag ba sila maging accessory to the crime? Papayag pagamit na wala ka namang makukuhang kapalit? Magpapakahirap lumaban sa hindi mo naman talaga laban? Haharapin ang anumang akusasyon ng nagbubulag-bulagan?
Hindi patas.. Hindi makatarungan.. Kung may manggagamit man dyan, mahiya naman kayo sa mga taong ginagamit niyo.. Tubuan sana kau ng konsensya!
No comments:
Post a Comment
Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!