Friday, October 1, 2010

Disappointments


Isa na yata ako sa mga taong puno ng disappointments sa buhay. Di nababawasan, lalo lang nadadagdagan. Ano bang meron ang isang katulad ko at pilit binibigyan ng sandamukal na disappointment sa buhay. Isa lang ba itong test? Nicha-challenge ang patience ko? Sinusubukan kung paano ako maghandle ng disappointment? O nasa kapalaran ko ang mapabilang sa pinakamaraming disappointment sa buhay.. O ako lang mismo ang gumagawa ng mga ikaka-disappoint ko? Kalungkot naman..

Family. Disappointed ako na hindi maibigay lahat ng pangangailangan ng pamilya ko. Disappointed ako na mas madaming pagkakataon ang sinasayang ko na dapat kasama ko sila. Nakakainis isipin na mas inuuna ko ang sarili kong pangangailangan kesa sa kanila.

Work. Disappointed akong di ko nagagampanan masyado ang posisyon ko at winawalang bahala ko lang. Disappointed ako sa mga patakaran na kung minsan di makatarungan at di sang ayon sa kagustuhan ng mga empleyado. Disappointed ako sa mga empleyadong grabe maka-demand sa employer na di naman nagkulang. Disappointed ako na hanggang nagun ito pa lang ang nararating ko at nakaka-disappoint isipin na madaming kakumpetensya.

Friends. Disappointed ako sa mga kaibigang nandyan lang pag may kailangan at di ka na kilala pag ikaw naman ang nangailangan. Disappointed ako sa kaibigang nalilihis ng daan at pinipilit na ituwid ang kanilang pagkakamali. Masahol pa, mas pipiliin pa ang baluktot na daan at iiwan ka na lang sa kawalan. Mas disappointed ako sa mga kaibigang itinuring ko ng parang kapatid at pinagkalooban ko ng tiwala pero sa huli'y wawasakin din pala. Kaibigang mas binibigyang halaga ang sarili at ibang tao, na di binibigyang konsiderasyon kung ano ang napagsaluhan niyo bilang magkaibigan laban sa kakarampot na kaginhawan na madarama nya sa piling ng mga bagong tuklas na kaibigan.

Lovelife. Disappointed akong di magampanan ang tungkulin ko hindi lang bilang girlfriend kundi ang maging kaibigan at kapatid para sa kanya. Disappointed akong di ko sya nagabayan ng husto at naimulat ang mata sa katotohanan at realidad ng buhay. Disappointed ako na sa tinagal-tagal ng aming pagsasama ay parang bulang nawala lang sa kawalan. Nakakadisappoint malaman na ang taong halos sinamba at inaruga mo ay ang syang taong maghahatid ng sobrang kalungkutan sa buhay mo, na pakiwari mo ay wala ka nang aasahan pa at walang kinabukasang naghihintay. Nakakainis maisip na bakit pa kayo nagmahalan kung mauuwi din naman sa hiwalayan. Ang misteryo talaga ng pag-ibig, lahat nabibighani.

Sarili. Disappointed akong di maibigay sa mga kinauukulan ang panahon at oras ko na mas pinili ko pang ilaan sa mga bagay na wala naman akong kahihinatnan. Disappointed ako sa kung anumang ugali meron ako, na pilit sinisira ang relasyon ko mga taong nakakasalamuha ko, pilit isinisiksik na kaya kong mag-isa at lumaban kahit di patas, pilit nagpapakatatag kahit laam kong sobrang hina ng aking kakayahan, pilit nagpapakasaya sa likod ng kalungkutan, pilit inaabot ang mga bagay na di naman dapat.

Ilan lang ito sa mga disappointments sa buhay ko. Sana kung anuman o sinuman ang nagdudulot nito, hiling ko lang malagpasan ko. Sana magawa kong ituwid ang mga disappointments na ito. Naisip ko lahat siguro ito magiging posible kung magiging bukas ako sa sarili ko, na di lahat ng bagay kaya kong ibigya, di lahat ng tao kaya kong arugain at pasayahin, di lahat ng pagkakataon ay nasa tama akong disposisyon at di lahat ng gusto ko ay makakamit ko.

No comments:

Post a Comment

Gladly appreciate it if you will let me hear your thoughts! Thanks!

Blog Post

galatrip friends love food life labtrip gastronomic adventure blog cebu bohol travel fall in love mary dinkle roadtrip work foods maxhorowitz miss shinchan budget foodtrip friend hate intramuros keychain macky trip valentines 2011 Marq beach blogger chat events family goodbye happiness happy hurt movie puso song vacay work-life balance write 2010 2012 araneta atimonan bdj belled de jour power planner ber months bestfriend bonding camping casa manila chance christmas circle concert dampa december dragons drink emo followed fun gifts inasal la mesa ecopark leave lucban miyaka moa money new year november occassion pain park philippine blogging summit planner prizes quezon restaurant rodics sand sto nino sunken garden superbowl tagaytay thoughts water zipline 143 3 months Atom Araullo Bayukbok Cave Big 4 Blackbeard's Seafood Island CnT Eton Centris Fuente Osmena Lapu-Lapu Larsian LetGo Mactan Shrine Mt.Manalmon NES94 PDI Plant with Me Sidcor UP college of law acceptance ademar admire affected airport alicia keys amnesia girl ana santos animals antok apple asap assume attention avatar azkals baby back ribs back baclayon church balance banchetto barbeque basketball batangas beer best best i ever had bff bilar bills binangonan binondo birds birthday bjd black swan bloggersfest blood compact bolo boodle feast booster bora buffet buhay busy care carla casa verde caving celfone cheat chinchan chinese chocolate hills chocolates chowbiz chupers church city hall. quezon climb clue comfy confident conti's countryside credit card crosswinds resort crown regency crush cuenca cute cutest cutest newsman dagat daing dan hill daranak falls dd1 dd2 dd3 dd4 dear diary dearest delicacies dependency diamond disappoint dont forget dots dq dried mango dunk eat edward cullen embarrass eraserheads expect expenses extra face faceurmanga facial failure falls fan fashion fear fee ferry finale fireworks first football fort santiago fruits furniture game georgetown gone goods gulp guy handicraft hanging puso happy new year hearts day hike hold head up high holidays hope hot air balloon iblog7 iblog8 insectyora inspiration inspired ipod itouch itunes iyak janet's january jayj's journalist jump shots kamay ni hesus kapamilya karnibal killer krispy kreme kung hei fat choi labor day laguna las pinas bamboo organ lechon cebu leo let go lets face it letter letting go liebster award like lil sis live loboc river cruise longganisa loss lovelife lss magellans cross mahal majayjay malcolm hall mami g man-made forest mang inasal manila cathedral marikina marina marriage masochism masokista maxs may 1 meat miaka monday mood swings motor mots mountain move on mt. maculot music myself nba newsman ninoy aquino parks and wildlife no strings attached nuffnang ocean jet october opm optical illusion pahiyas palawan pamper pandayan panglao island parade party pasalubong pasig ferry ride pasko passion patience perya pet photography pictures pier one planes pop icon post power premises prestige prick promise prony pudtrip puerto galera purchasing power pyrolympics python qcmc rappel rappelling red reformatted relationship relo remember rendezvous reporter reunion rio movie riverbanks rockies rocks ropes roses salcedo park sampaguita suites sapul sbbs senses september sessionista sexandsensibilities shades share sharlene ship haus single sipatan hanging bridge sizzling pepper steak skywalk slumbook smoke smp smx something fishy sorry spelunking stalagmites starbucks starving stephen bishop stress sweet tooth swim tago tagultol tanay tapa tarsier tramway tricia gosingtian triciawillgoplaces tulog tweet twilight twitter up vampire vegetables video walled city warren weekend weekend market welcome white hat witty will save the world worst ym you to me are everything